TV

Derrick Monasterio on working with Teresa Loyzaga in 'Return To Paradise': 'Feel na feel ko na nanay ko talaga siya'

By Dianne Mariano

Naging madali para kay Sparkle actor Derrick Monasterio ang kanyang mga eksena kasama ang batikang aktres na si Teresa Loyzaga sa GMA Afternoon Prime series na Return To Paradise.

Sa nasabing serye, gumaganap sina Derrick at Teresa bilang mag-ina na sina Red and Rina Ramos.

Ayon sa hunk actor, naging madali ang kanyang scenes kasama ang seasoned actress dahil kamukha raw nito ang tunay niyang ina na si Tina Monasterio.

“It's very easy to work with Ms. Teresa [Loyzaga]. Gaya ng sinabi ko sa mga interviews before na kamukhang-kamukha niya 'yung mom ko talaga. So madali lang sa akin umarte kapag kausap ko siya kasi feeling ko talaga mama ko siya.

“And not just that, kaboses din niya 'yung mom ko so parang feel na feel ko na nanay ko talaga siya. Kaya minsan kahit na 'yung mga scenes hindi naman gano'n ka-emotional, dalang-dala pa rin ako. 'Yun 'yung parang magic na binibigay niya sa akin,” kuwento niya sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Bukod dito, ibinahagi rin ni Derrick ang pagkakapareho niya sa kanyang karakter sa serye.

Aniya, “Pareho kaming mama's boy. Pareho namin sobrang love 'yung parents namin. Gagawin namin lahat para ma-please 'yung mga magulang namin.”

Patuloy na subaybayan ang Return To Paradise tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SHIRTLESS PHOTOS NI DERRICK MONASTERIO SA GALLERY NA ITO.