TV

Ang pagbabalik ni Roxanne


Akala nila ay tuluyan na akong nawala, pero nagkakamali sila. Buhay na buhay ako, at ngayong bumalik na si Angela, babalik na rin ako para labanan siya. (See episode highlight here: click here)

HIndi ako papayag na muling apihin ni Angela si Rhodora, at mas lalong hindi ako papayag na maagaw niya sa akin si Joaquin. Mula nang bumalik itong ate ni Rhodora na inakala nilang patay na, wala na itong ginawa kundi pahirapan si Rhodora. Sinumbat pa niya kay Rhodora ang ekis niya sa mukha. Ako kaya ang may gawa nun, ayaw kasing paniwalaan ang kapatid niya.

Ito namang si Rhodora, napakahina. Sabagay, kaya nga niya ako nabuo sa utak niya dahil hindi niya kayang magpakatatag. Sinisisi niya ang kanyang sarili sa nangyari kay Angela, at kung bakit kinamumuhian sila nito ngayon.

Gusto nilang bumalik si Angela sa kanila, pero ayaw nito at gusto nang sumama kay Nico sa Amerika. Nagulat na lamang sila nang isang araw ay dumating si Angela at nais na daw nitong makasama ang kanyang pamilya. Ito namang mga magulang ni Rhodora, ang dali-daling mauto. Lumambot agad ang puso kay Angela. Ang hindi nila alam, bumalik ito para ipadama kay Rhodora ang sakit na naramdaman niya nang agawin ko ang lahat sa kanya.

Gigil na gigil na akong ipaglaban si Rhodora, pero nilalabanan niya ako. Bibigay din naman siya balang araw, at hindi nga ako nagkamali. Hindi naniniwala si Angela na may DID ang kapatid niya, kaya gagawin niya ang lahat para palabasin ako. At in fairness kay Angela, kahit galit na galit ako sa kanya ay pinahanga niya ako sa katapangan niya. Magpapatalo ba ako? Siyempre hindi.

Hindi rin kinaya ni Rhodora ang ginagawa sa kanya ni Angela, kaya hindi na niya napigilan ang paglabas ko. Nakausap ko siya, pati na rin si Rowena, at sinigurado ko sa kanilang dalawa na ipagtatanggol ko sila sa lahat ng umaapi sa kanila.

Ma-realize man ni Angela na hindi ako imbento ni Rhodora ay wala akong pakialam. Huwag lang siyang magkakamali na muli akong hanapin, dahil magpapakita talaga ako sa kanya, at hindi ako mapipigilan ni Rhodora. -- Roxanne