TV

Yasmien Kurdi, nagkuwento ng kanyang mga sakripisyo sa 'Rhodora X'


Bawat eksena nang Rhodora X ay hitik na hitik sa mga kaabang-abang na eksena gabi-gabi sa GMA Telebabad. Kaya hindi nakakagulat na panalo lagi ito sa ratings. Nakakuwentuhan ng GMANetwork.com last May 9 si Yasmien Kurdi sa live chat ng cast ng Rhodora X at nagshare ito kung ano-anu ang mga nangyayari sa set ng kanilang show.

Bida ni Yasmien malaki ang sacrifice nilang mga artista every taping para mapaganda ang bawat eksena, sabi nito “Stressful siya actually, isang buong araw gustong-gusto ko ng maligo pero hindi puwede kasi 'yung continuity ng dumi,” sabi ng StarStruck alumna.

“Naka-paa ka the whole time, sugat-sugat ang paa ko, tumatakbo ako sa batuhan ang sakit, na ngitim ako sa araw, hindi pantay ang kulay ko dahil sa nangyayari and then sobrang mahirap talaga, pero for the show, we sacrifice things and we sacrifice ourselves para mapaganda 'yung eksena,”.

Isa sa pinaka-intense na scene sa Rhodora X ay ng ikinulong ni Roxanne si Angela sa isang container van at samu’t sari na emotional at physical trauma ang ginawa ni Roxanne kay Angela.

Ayon din sa Rhodora X star bilib daw ito sa kanyang StarStruck batchmate na si Jennylyn Mercado dahil binibigay nito ang best niya, “Si Jen ginagawa niya 'yung best niya in everything she does and I am very proud of her sa lahat ng achievements niya in life. She is a good actress and I am very proud din that she is my batchmate”.

Huwag palampasin ang huling dalawang linggo ng Rhodora X at para sa mga updates on your favorite Kapuso shows at stars, mag log on sa www.gmanetwork.com.

--Text by Aedrianne Acar, Photo by Bochic Estrada