TV

Martin del Rosario inaming may connection sila ni Yasmien Kurdi


Second taping day pa lamang ni Martin del Rosario sa primetime series na Rhodora X nang aming bisitahin ang kanilang set sa Cavite last May 8. Kahit sa last few weeks na lang lumabas ang kanyang character ay masayang masaya ang aktor sa kanyang experience sa bagong network.

"New experience ito sa akin. Nakakatuwa kasi sobrang maalaga nila. Kumbaga sa set, kapag may kailangan ka ay nandiyan sila agad para sa 'yo. And hindi ko alam kung dahil bago pa lang ako, pero sobrang light nung feeling. Hindi ako masyadong nais-stress," kuwento niya.

Matagal na ring nagpahinga si Martin sa pag-arte kaya nami-miss na niya ito. What was his initial reaction nang malaman niyang siya ang gaganap sa pinakabagong character sa Rhodora X?

"Initial reaction ko, very excited, knowing na ang Rhodora X ay number one sa GMA at ang taas ng ratings. Nagpapasalamat din naman ako sa GMA na binigay nila ang trust nila sa akin, na binigay nila sa akin ang isang show na primetime, mataas ang ratings. I would like to thank GMA for the trust and the chance, kung nakitaan man nila ako ng potential."

Dahil si Martin ang tumatayong savior ni Angela, madalas na kaeksena ng aktor si Yasmien Kurdi. He finds the actress very sweet at "ang amo-amo ng mukha."

Dagdag pa niya, "Si Yasmien masarap kakuwentuhan, at pinapa-feel niya na very welcome ako kasi unang pagkikita pa lang namin, kuwentuhan na agad, bonding na agad."

Hindi na rin kataka-taka nang sabihin niyang si Yasmien ang gusto niyang maging ka-loveteam dito sa Kapuso network. "Happy ako kay Yasmien (laughs). Maganda, mabait, okay sa set. Siyempre, kino-consider ko kahit hindi on-cam, kahit wala kami sa harap ng camera ay okay kami. Siyempre kapag ka-trabaho ko siya, napi-feel ko na may connection."

Don't miss the last few episodes of Rhodora X, weeknights after Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw, on GMA Telebabad. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com