TV

Five things to expect from the final week of 'Rhodora X'


As the primetime drama Rhodora X comes to a close this week, we will finally have the answers to the questions we have been longing to ask. Here are five things that fans and loyal viewers can look forward to on the show's last few episodes.

Will Rhodora win over Roxanne?

Mula nang magkaroon ng Dissociative Identity Disorder o DID si Rhodora ay naging sunod-sunuran na siya sa kanyang alter na si Roxanne. Ilang beses na rin siyang ipinahamak nito, mula sa pagpatay kay Trisha hanggang sa pagsira ng relasyon nina Joaquin at Angela. For a while ay nawala si Roxanne nang ipagamot si Rhodora. Naging normal ang buhay niya sa piling nina Joaquin at Jenna, kasama ang kanyang mga magulang. Ngunit kasabay ng pagbabalik ni Angela sa kanilang buhay ay ang pagbabalik din ng katauhan ni Roxanne. Gusto man siyang pigilan ni Rhodora ay wala itong magawa dahil mas malakas ang kanyang alter. Will she finally be able to defeat her alter for good?

Will the sisters forgive each other?

Malapit sa isa't isa sina Angela at Rhodora noong bata pa sila, kaya madalas na sisihin ni Angela ang sarili sa pagkawala ng nakababatang kapatid. Nang bumalik si Rhodora sa kanila ay may ibang katauhan na ito na gusto siyang ipaghiganti sa lahat ng nanakit sa kanya, lalong lalo na si Angela. Roxanne went on great lengths to make sure Angela and Joaquin's wedding did not push through, and she even went as far as getting herself pregnant by her sister's fiance. Nang makatakas sa kulungan si Angela ay pinagtangkaan pa ni Roxanne ang kanyang buhay, dahilan para magalit at maghiganti din siya sa kapatid. Sa kabila ng nangyari sa pagitan nilang dalawa, magagawa pa kaya nilang patawarin ang isa't isa? O tuluyan nang nabahiran ang relasyon nilang magkapatid?

Will Princess accept Rhodora as her real mother?

Nang makumpirma ni Rhodora na sina Princess at Jenna ay iisa, pinilit niya ang bata na sa kanila tumira. Hindi naging madali para kina Rhodora at Joaquin na muling kunin ang loob ni Jenna dahil kay Angela ito lumaki, at ito at si Martin ang kinikilala niyang mga magulang. Matigas ang ulo ni Jenna. Ayaw niyang sundin ang kanyang mga tunay na magulang, at hinahanap-hanap pa rin si Angela. Bumalik pa kaya ang alaala ni Jenna at makilala niya sina Rhodora at Joaquin?

Will Nico succeed in his plans?

Hindi inakala ni Angela na si Nico ang nag-utos kay Martin na bantayan at tulungan siya nang makatakas siya kay Roxanne. Nagkaroon man sila ng issue dati ay muli silang naging magkakampi sa paghihiganti. But just like before, may hidden agenda si Nico. Gusto nitong makuha si Angela, at kahit hindi na siya tulungan ni Roxanne ngayon, ay gagawin pa rin niya ito. Paano niya kaya isasagawa ang kanyang mga plano, at magwawagi kaya siya?

Will there be a happy ending for the entire family?

Sa dinami-rami ng pinagdaanan nina Derrick, Lourdes, Rhodora, Angela at Joaquin, magiging maayos pa kaya ang lahat para sa kanilang pamilya?

Don't miss the last week of Rhodora X, pagkatapos ng Kambal Sirena, sa GMA Telebabad. -- Text by Michelle Caligan, GMANetwork.com