TV

Jennylyn Mercado umaming nahirapan kina Rhodora at Roxanne


Sa nakaraang episodes ng primetime series na Rhodora X ay nakita na natin si Roxanne, ang pangalawang katauhan ni Rhodora. Hindi tulad ni Rhodora na mahina at mabait, Roxanne is confident yet manipulative, at siya ang tutulong kay Rhodora sa paghihiganti nito sa kapatid niyang si Angela.

Jennylyn Mercado, who plays Rhodora and Roxanne, admits that both roles are very hard to portray, but so far has already adjusted to her characters. "Kapag medyo tumagal na, baka madagdagan pa siya so parang sa isang tao, in a snap, mag-iiba ng character. It's very hard, but proud ako sa show na 'to kasi this is the first time na magpapalabas sila ng ganitong klaseng istorya sa Philippine TV."

Ano naman ang nararamdaman niya na sa kanya napunta ang very challenging role na ito?

"I feel so blessed and grateful kasi alam ko maraming artista sa GMA, but nag-risk sila na ibigay sa akin. I hope magampanan ko nang maayos at matuwa rin 'yung mga supporters and suportahan talaga nila," says Jen.

She further explains that she really has to work on detaching herself from Rhodora and Roxanne, na parehong malayo ang personalities sa totoong Jennylyn. Ayon kay Jen, nagdadala siya ng nakakatawang movie or book para mailayo ang isip niya sa kanyang characters.

"Nagpapalit-palit ka ng characters, kaya imposible na hindi mag-sink in sa'yo especially if you're into it. It's not nice na dala-dala ko siya hanggang bahay. Matatakot naman 'yung anak ko sa akin."

Catch Jennylyn Mercado as Rhodora and Roxanne in Rhodora X, weeknights after Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw, on GMA Telebabad. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com