TV

Chat Online with Jennylyn Mercado and Mark Herras of 'Rhodora X' on March 5



Mga Kapuso, ito na ang chance ninyong kilalanin sina Rhodora at Joaquin ng Rhodora X! Sina Jennylyn Mercado at Mark Herras mismo ang makaka-bonding ninyo through the GMANetwork.com Live Chat on Wednesday, March 5, from noon to 2 p.m. (Philippine time).

Lagpas 10 taon na ang nakakaraan mula nang masungkit nina Mark at Jennylyn ang kauna-unahang Ultimate Survivors title ng StarStruck. Pagkatapos nito ay tinangkilik ang kanilang love team ng mga manonood kaya’t matagal na panahon din silang naging magkatambal sa iba’t ibang Kapuso shows tulad ng Encantadia, Joyride at I Luv NY.

Bago sila muling magsama sa Rhodora X ay halos limang taon din ang hinintay ng MarkJen fans sa pagbabalik ng kanilang love team. 2009 pa kasi noong huli silang nagsama sa show na Ikaw Sana.

Umiikot ang istorya ng Rhodora X sa magkapatid na sina Angela (Yasmien Kurdi) at Rhodora (Jennylyn). Bata pa lamang ay nagkalayo na sila at hindi nila inakalang magkikita pang muli makalipas ang maraming taon. Tuwang-tuwang ang pamilya ni Rhodora dahil nabuo na silang muli. Ngunit hindi nila kilala ang totoong pagkatao ni Rhodora.

Mayroong rare na sakit si Rhodora, ang Dissociative Identity Disorder. Lumalabas at nako-control si Rhodora ng kanyang alter ego na si Roxanne. Si Roxanne ang gumagawa ng paraan para makapaghiganti kay Angela dahil ito ang sinisisi niya sa mga nangyari sa kanya noong bata pa sila. Dahil dito gumawa ng paraan si Roxanne para mapasakanya ang boyfriend ni Angela na si Joaquin (Mark).

Gagawin ni Roxanne ang lahat para lang makuha si Joaquin. Sa katunayan, siya ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasal nina Angela at Joaquin. At noong nakaraang linggo, gumawa siya ng paraan para makulong ang kapatid. Ipinalabas niyang si Angela ang pumatay sa secretary ni Joaquin.

Ano pa kaya ang kayang gawin ni Roxanne para kay Joaquin? Hanggang kailan kaya siya mananaig sa katawan ni Rhodora? Malaman na kaya ng pamilya ni Rhodora ang tungkol sa kanyang sakit?

Pero bago ninyo pa malaman ang sagot sa mga tanong na ‘yan, makipag-bonding muna sa Rhodora X stars na sina Jennylyn Mercado at Mark Herras sa GMANetwork.com Live Chat ngayong Miyerkules, March 5, from noon to 2:00 p.m. (Philippine time). Just log on to www.gmanetwork.com/livechat to be part of this exclusive event.
- Text by Al Kendrick Noguera, GMANetwork.com