TV

MUST-WATCH: Natalia Moon, natuklaw ng ahas?

By Bea Rodriguez

Alam niyo bang may fear of snakes ang Australian actress-DJ na si Natalia Moon? Na-trauma ang Kapuso star nang matuklaw siya ng ahas dati.

Bahagi ni Natalia sa Road Trip, “Ayaw ko ng snake talaga kasi noong bata pa ako, I got bit by a snake. Since then, ayaw ko talaga kahit tulog siya. Ayaw ko talaga.”

Nag-road trip sa Negros Island ang kapwa niyang You’re My Foreignoys na sina Dasuri Choi at Richard Juan.

Naglakas loob si Dasuri na buhatin ang ahas at ilapit sa kanyang katawan kahit kinakabahan siya at hindi sanay pumunta ng zoo.

“Sa Korea, wala kaming ganyan kasi siyempre parang it’s dangerous. Palaging ingat kami kaya lahat ng bagay, takot ako. Dito sa Pinas, palaging ‘Oh, you try,’” reveal ng ating Koreana.