TV

WATCH: Klea Pineda, Arra San Agustin at Ayra Mariano, matapang na tumalon mula sa 20-foot cliff!

By Bea Rodriguez

Matapang na hinarap ng StarStruck alumnae na sina Klea Pineda, Arra San Agustin at Ayra Mariano ang pagtalon mula sa 20-foot cliff sa kanilang Road Trip sa Masbate.

Napakalinaw ng makikita mula sa diving board. Nakakakaba, nakakapanginig at nakakatakot ang karanasan pero nadaig nila ang kanilang mga kinatatakutan.

“Masarap sa feeling! Gusto ko ulit-ulitin ‘yung ganun kasi mahilig talaga ako sa adventures o [sa mga bagay na] hindi mo madalas gawin,” kuwento ni Klea.

Ganoon din ang naramdaman ni Ayra. Saad niya, “Ang sarap ng feeling after, ‘yung nawala ‘yung kaba mo. Na-discover ko rito sa cliff jump na kaya ko pala [at] matapang pala ako.”

Samanatala, napakabilis daw ng tibok ng puso ni Arra bago siya tumalon pero masaya siya at nagawa nila itong tatlo. Aniya, “Natuwa ako na lahat kami nakapag-cliff dive and sama-sama kaming tatlo.”

Panoorin ang highlight sa Road Trip episode nina Klea, Arra at Ayra.