GMA Logo Rabiya Mateo
Photo by: Michael Paunlagui
What's on TV

Rabiya Mateo, big break ang 'Royal Blood' murder mystery drama

By Aimee Anoc
Published April 19, 2023 3:17 PM PHT
Updated May 31, 2023 3:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Rabiya Mateo


Rabiya Mateo sa proyketong 'Royal Blood': "Challenging siya for me kasi kino-consider ko talaga ito as my break sa acting."

Itinuturing ni Rabiya Mateo na big break sa showbiz ang mapasama sa cast ng murder mystery drama na Royal Blood, na pagbibidahan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Kuwento ni Rabiya sa GMANetwork.com, challenging para sa kanya ang role sa Royal Blood dahil itinuturing niya itong "break" sa acting.

Dagdag pa ng aktres, matagal na rin niya itong ipinagdarasal at palagi siyang sumasabak sa acting workshop bilang paghahanda rito.

Sa Royal Blood, makikilala si Rabiya bilang Tasha, kapitbahay na may crush kay Napoy (Dingdong). Siya rin ang matalik na kaibigan ng nasirang asawa ni Napoy na si Kate.

"Ako rito napamahal na ako at napalapit na sa mag-ama. Secretly na-in love siya kay Dong dito. So parang iyon 'yung risk kung hanggang saan 'yung kaya niyang maisakripisyo para sa pagmamahal at kung masusuklian ba ito. Iyon 'yung dapat nilang abangan sa role ko," ang masasabi ni Rabiya sa kanyang role.

"Masaya siya kasi babaeng bakla lang ako rito, kalog, very masa, so something na makaka-relate ako. Feeling ko nga, 'Ako ba talaga 'to?' dagdag niya.

Para kay Rabiya, naiiba ang pagbibidahan niyang karakter ngayon sa Royal Blood kumpara sa nauna na niyang role bilang Asha sa Agimat ng Agila Season 2.

"'Yung first acting project ko is with Agimat ng Agila and I was doing action doon. Dito may kaunting love story rin, sacrifices. Medyo mas may puso 'to, dati kasi puro bakbakan.

"Ito naman, 'yung karakter ko rito binibigyan niya ng buhay 'yung one sided love. Kumbaga, kahit hindi masuklian basta nandyan ka lang palagi. Minsan nga parang hindi pa nakikita ang presence mo," sabi ng aktres.

Ito ang unang beses na makakatrabaho ni Rabiya sa isang serye ang Kapuso Primetime King.

"Ang sarap sa feeling kasi I'm sure marami po talaga akong matututunan from him kasi haligi talaga siya ng show business, so I can't wait to work with Kuya Dong."

Ang Royal Blood ay sa ilalim ng direksyon ni Direk Dominic Zapata. Abangan ito soon sa GMA Telebabad.

TINGNAN ANG NAGANAP NA STORY CONFERENCE NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: