GMA Logo Dion Ignacio
What's on TV

Dion Ignacio, excited na muling makatrabaho si Dingdong Dantes sa 'Royal Blood'

By Aimee Anoc
Published April 25, 2023 3:49 PM PHT
Updated May 31, 2023 3:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Dion Ignacio


"Sobrang excited ako na makatrabaho ulit si Kuya [Dingdong], isa sa mga hinahangaan kong artista rito sa GMA." - Dion Ignacio

Kabilang si Dion Ignacio sa star-studded cast ng inaabangang murder mystery drama na Royal Blood, na pagbibidahan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Kuwento ni Dion sa GMANetwork.com, masaya siya na mapasama sa cast ng pinakamalaking suspenserye ng GMA ngayong taon. Ibinahagi rin ng aktor ang excitement sa panibagong challenges na gagawin niya para sa kanyang karakter sa serye.

Sa Royal Blood, mapapanood si Dion bilang Andrew, asawa ni Margaret (Rhian Ramos) at close siya sa ama ng huli na si Gustavo (Tirso Cruz III).

Ayon kay Dion, isa noon si Rhian sa mga pinangarap niyang makatrabaho at maging leading lady.

"Noong nag-start siya rati, nakikita ko 'yung commercials niya parang minsan din si Ms. Rhian noon ay pinangarap ko ring makasama sa trabaho, leading lady. At ngayon ito nangyari na after how many years."

Una nang nakatrabaho ni Dion ang aktres sa anthology shows na Tadhana at Maynila. Kuwento niya, "Nagkatrabaho na rin kami dati, pero dati pa 'yun nu'ng nag-start pa lang siya. Ngayon lang ulit kami magkakatrabaho nang mas mahabang makakaeksena ko siya.

Dagdag niya, "Si Rhian sobrang professional. Kapag nasa set na talagang handang-handa siya, in character kaagad. Para sa akin sobrang galing, sobrang professional siyang katrabaho, walang arte."

Bukod kay Rhian, excited din si Dion na muling makatrabaho ang Kapuso Primetime King.

"Si Kuya [Dingdong], nagkasama kami rati sa Moments of Love pero hindi kami nagkaroon ng mga scenes doon na nag-uusap. Tapos sa pangalawa naman I Can See You: Alternate kung saan ako 'yung nag-double sa kanya.

"Tapos ito pangatlong beses na, ngayon mangyayari sa Royal Blood. Kaya sobrang excited ako na makatrabaho ulit si Kuya Dong, isa sa mga hinahangaan kong artista rito sa GMA."

Ang Royal Blood ay sa ilalim ng direksyon ni Direk Dominic Zapata. Abangan ito soon sa GMA Telebabad.

TINGNAN ANG NAGANAP NA STORY CONFERENCE NG 'ROYAL BLOOD' SA GALLERY NA ITO: