GMA Logo Dingdong Dantes, masaya na muling makatrabaho si Tirso Cruz III sa 'Royal Blood'
Photo by: Michael Paunlagui
What's on TV

Dingdong Dantes, masaya na muling makatrabaho si Tirso Cruz III sa 'Royal Blood'

By Aimee Anoc
Published April 26, 2023 3:10 PM PHT
Updated May 31, 2023 3:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PhilSA warns of China rocket debris near Puerto Princesa, Tubbataha
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes, masaya na muling makatrabaho si Tirso Cruz III sa 'Royal Blood'


"Very fatherly sa set, very warm, ang dami mong matututunan, and at the same very funny." - Dingdong Dantes

Muling makakasama ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa isang serye ang multi-awarded actor na si Tirso Cruz III.

Unang nakatrabaho ni Dingdong ang batikang aktor sa GMA series na Sana ay Ikaw Na Nga noong 2002. Nagkasama rin ang dalawang aktor sa hit series na Endless Love noong 2010.

Ngayon, kapwa mapapanood sina Dingdong at Tirso sa upcoming murder mystery drama na Royal Blood kung saan gaganap silang mag-ama.

Kuwento ni Dingdong sa GMANetwork.com, masaya siya nang malamang muling makakatrabaho si Tirso sa bago niyang pagbibidahang serye. Aniya, "Nu'ng malaman ko na makakasama ko siya sa Royal Blood sobrang saya."

Paglalarawan ni Dingdong sa batikang aktor, "Very fatherly sa set, very warm, ang dami mong matututunan, and at the same very funny. Iyon 'yung pinakamahalaga kasi talagang hindi pwedeng palaging serious dahil mahirap 'yung trabahong ginagawa kahit papaano we have time to laugh and take things lightly, and that's what he provides."

Sa Royal Blood, makikilala si Dingdong bilang Napoy, isang mapagmahal na single father na sinisikap maibigay ang pangangailangan ng kanyang anak sa pagtatrabaho bilang isang motorcycle rider. Siya rin ay bastardong anak ng isang business tycoon -- si Gustavo Royales, na gagampanan ni Tirso.

Kasama rin sa star-studded cast sina Megan Young, Dion Ignacio, Mikael Daez, Lianne Valentin, Rhian Ramos, Rabiya Mateo, Benjie Paras, at Arthur Solinap.

Ang Royal Blood ay sa ilalim ng direksyon ni Direk Dominic Zapata. Abangan ito soon sa GMA Telebabad.

TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA SET NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: