GMA Logo Arthur Solinap
Photo by: arthursolinap (IG)
What's on TV

Arthur Solinap shares funny experience with Dingdong Dantes on their first 'Royal Blood' scene

By Aimee Anoc
Published May 11, 2023 2:29 PM PHT
Updated May 31, 2023 3:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOTr to build covered walkway connecting two QC malls along EDSA
BFP 7 hoists Red Alert status for the holidays
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News

Arthur Solinap


Alamin ang nakatutuwang unang eksena ni Arthur Solinap kasama si Dingdong Dantes sa taping ng 'Royal Blood' dito.

Matapos ang mahusay na pagganap bilang detective sa suspenserye na Widows' Web, muling mapapanood si Arthur Solinap bilang imbestigador sa bagong murder mystery drama ng GMA, ang Royal Blood.

"Ako [rito] si Emil Bañez, detective ako sa Widows' Web na magko-crossover dito sa Royal Blood," sabi ni Arthur sa kanyang gagampanang karakter sa serye.

Unang araw pa lamang ng taping ng Royal Blood ay agad nang nakaeksena ni Arthur ang lead actor ng serye na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Kuwento ni Arthur, bagama't hindi ito ang unang beses na nakatrabaho niya si Dingdong ay hindi pa rin niya naiwasang "mailang" sa pag-deliver ng kanyang lines sa harap ng aktor.

"'Yung first scene namin actually nagtawanan kami, 'yung kaunting icebreaker lang tapos seryoso na. Hindi lang ako makapag-line sa harap niya, parang nakakailang pero, eventually, na-[portray] naman namin 'yung character namin," kuwento niya sa GMANetwork.com.

Ayon kay Arthur, bilang paghahanda sa Royal Blood ay nanood siya ng iba't ibang suspense series. "'Yung may mga killer din na hindi mo alam. Ito nanood talaga ako ng mga ibang series para may ideya ako, 'Ah ganito pala sila mag-portray. Puwedeng pagdudahan din ng audience.'"

Hindi nalalayo para sa aktor ang karakter na gagampanan niya sa serye dahil, aniya, tulad ni Emil ay isa rin siyang "observer."

"'Yun talaga ako ever since, tahimik. Kaya sabi nila, 'Parang ang tahimik nito.' Ayon pala nag-oobserve ako."

Sa interview, ibinahagi rin ng aktor ang dapat na abangan sa Royal Blood. "Kahit dati kapag mga ganitong klaseng show, kahit si Rochelle [Pangilinan] naghuhulaan kami. Kapag napanood n'yo ito, umpisa pa lang hindi ka na bibitaw."

Makakasama sa star-studded na cast ng Royal Blood sina Tirso Cruz III, Mikael Daez, Megan Young, Rhian Ramos, Dion Ignacio, Lianne Valentin, Rabiya Mateo, Benjie Paras, Carmen Sarmiento, at Ces Quesada.

Abangan ang Royal Blood, soon sa GMA Telebabad.

SILIPIN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA PICTORIAL NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: