
Proud at nagpapasalamat si Dion Ignacio sa pagkakataon na ibinigay sa kanya na mapasama sa cast ng murder mystery drama na Royal Blood.
Ayon sa aktor, may pagkakontrabida ang magiging karakter niya sa Royal Blood. Sa action-packed family drama, makikilala si Dion bilang Andrew, asawa ni Margaret Royales (Rhian Ramos), pangalawang anak ng business tycoon na si Gustavo Royales (Tirso Cruz III).
"Sobrang proud ako na napasama ako rito sa 'Royal Blood,'" sabi ni Dion sa interview ng GMANetwork.com.
"Ako po rito si Andrew, asawa ko po rito si Margaret at ang character ko rito as leaker, sipsip sa pamilyang Royales, especially po kay Gustavo. May goal din po siya na maging mayaman at makakuha ng magandang pwesto sa Royales motor company," dagdag niya.
Challenging para kay Dion ang karakter na ito sa Royal Blood dahil, aniya, bihira siyang gumawa ng mga kontrabida role.
"Ako naman bilang artista lahat para sa akin challenges. Para sa akin challenges lahat ng scenes para mas pagbutihan ko 'yung mga eksena sa bawat role ko. Ang pinagkaiba nito, siguro rito parang kontrabida kasi bihira lang din ako magkontrabida, so iyon 'yung pinagkaiba sa ibang roles ko."
Ibinahagi rin ni Dion ang mga dapat na abangan sa Royal Blood, na pagbibidahan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
"Syempre abangan niyo po ang 'Royal Blood' [dahil] talagang mapapaisip kayo sa kuwentong ito. Talagang tututok kayo bawat eksena dahil kahit kayo manghuhula, kahit kaming mga artista hanggang ngayon hindi pa namin alam kung sino ang [killer]," sabi niya.
Makakasama ni Dion sa star-studded na cast ng Royal Blood sina Megan Young, Mikael Daez, Rhian Ramos, at Lianne Valentin. Ipinakikilala si Rabiya Mateo kasama sina Benjie Paras, at Arthur Solinap. Gaganap sa isang espesyal at mahalagang role sa serye ang multi-awarded actor na si Mr. Tirso Cruz III bilang Gustavo Royales.
Abangan ang world premiere ng Royal Blood ngayong June 19, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA SET NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: