
Pinusuan ng marami ang cute dance video nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at child actress Sienna Stevens.
Sa loob lamang ng 21 hours, umabot na sa 4.1 million views ang video nina Sienna at Dingdong.
@stevensluv Lizzie with Tatay Napoy 🥰 @Dong Dantes #fypシ #royalblood #dancingdadanddaughter ♬ original sound - langkasukai
Co-stars sa upcoming primetime murder mystery drama Royal Blood sina Dingdong at Sienna kung saan gaganap sila bilang mag-ama.
Nag-comment pa si Dingdong sa post at ginamit ang pangalan na "Lizzy," ang karakter ni Sienna sa show.
"Hahaha tama ba steps ko, Lizzy??" sulat niya.
"Opo Tatay Napoy!" sagot naman ni Sienna gamit ang pangalan ng karakter ni Dingdong sa serye.
Minsan na ring nag-viral si Sienna sa pagsayaw niya sa Voltes V theme song na "Voltes V No Uta" habang nakasuot ng costume ng isa sa mga karakter nitong si Jamie Robinson.
SAMANTALA, KILALANIN ANG IBA PANG MAKAKASAMA NINA DINGDONG AT SIENNA SA ROYAL BLOOD SA EXCLUSIVE GALLERY NA ITO: