
Cute na cute at bibong-bibo sumayaw ang Royal Blood child actress na si Sienna Stevens sa Voltes V opening theme song na "Voltes V No Uta," na kinanta ng Japanese actress-singer na si Mitsuko Horie.
Kabisado at game na sinayaw ni Sienna ang "Voltes V No Uta" habang naka-costume ng Jamie Robinson, isa sa limang miyembro ng Voltes V.
Napapanood na ngayon ang live-action adaptation series na Voltes V: Legacy na nagsimula noong May 8 sa GMA Telebabad. Ito ay pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix (Steve Armstrong), Ysabel Ortega (Jamie Robinson), Radson Flores (Mark Gordon), Raphael Landicho (Jon Armstrong), at Matt Lozano (Robert Armstrong).
Samantala, mapapanood si Sienna sa murder mystery drama na Royal Blood kung saan gaganap siyang anak ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na si Lizzie.
Abangan si Sienna sa Royal Blood, soon sa GMA Telebabad.
SILIPIN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA PICTORIAL NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: