
Mapapanood na sa Lunes (June 19) ang pinakamalaking murder mystery series sa primetime, ang Royal Blood.
Ito ay pagbibidahan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes kasama sina Megan Young, Mikael Daez, Dion Ignacio, Lianne Valentin, Rabiya Mateo, at Rhian Ramos. Sa natatanging pagganap ni Tirso Cruz III, kasama rin sina Ces Quesada, Benjie Paras, Carmen Soriano, Arthur Solinap, James Graham, Aidan Veneracion, Princess Aliyah, at Sienna Stevens.
Sa interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ng multi-awarded actor na si Tirso Cruz III ang dapat na abangan sa Royal Blood.
"Ang dapat na abangan ng viewers sa 'Royal Blood' ay kaming lahat. Hindi naman sa pagbubuhat ng bangko, magagaling pong lahat ang mga artistang kasama ko rito," sabi ng batikang aktor.
Dagdag niya, " And, of course, lahat makakapag-relate kayo. May mga iba-iba pong karakter that I'm sure maaaliw kayo dahil marami kayong mapagkukumparahan. Mayroon kayong maikukumparang bata, may maikukumpara kayong middle age, mayroong senior na kagaya ko.
"Each and every character is going to be very interesting and very enigmatic. Unpredictable po talaga and it will be a refreshing series to watch."
Sa Royal Blood, makikilala si Tirso bilang Gustavo Royales, isang business tycoon at ama ni Napoy, na gagampanan naman ni Dingdong. Bukod kay Napoy, ang tatlo pa niyang mga anak ay sina Kristoff (Mikael Daez), Margaret (Rhian Ramos), at Beatrice (Lianne Valentin).
"Siya 'yung head nung family. He's a very stern man, he's very strong to the point na kung minsan 'yung akala niyang he's doing right, hindi niya alam nakakasakit na siya. Kumbaga, he's building a rift between him and his children because akala niya tama ang ginagawa niya. Nakakalimutan niya na dapat somehow mayroon din kayong relationship na soft.
"He's always very challenging in everything that he does. Ang feeling niya kasi, 'Ako na-challenge ako sa buhay ko, so kayo kailangan din ma-challenge kayo para matuto kayo,'" paglalarawan ng batikang aktor sa kanyang karakter.
Ang Royal Blood ay iikot sa kuwento ni Napoy, illegitimate child ni Gustavo at isang mapagmahal na single father na nagtatrabaho bilang isang motorcycle rider. Naging kumplikado ang lahat sa kanya nang maging prime suspect sa pagkamatay ng ama.
Panoorin ang full trailer ng Royal Blood sa video na ito:
Abangan ang world premiere ng Royal Blood ngayong June 19, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad. Ipalalabas din ito sa Pinoy Hits, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa GMANetwork.com.
NARITO ANG ILANG DAHILANG NABANGGIT NI DINGDONG DANTES KUNG BAKIT NGA BA NIYA TINANGGAP ANG ROYAL BLOOD: