TV

Pagbisita ni Vaness del Moral bilang Hillary Suarez sa 'Royal Blood,' abangan ngayong Lunes

By Aimee Anoc

Bukod kay Arthur Solinap bilang ang imbestigador na si Emil, na mula ang karakter sa hit suspenserye na Widows' Web, mapapanood din ngayong Lunes sa murder mystery drama na Royal Blood si Vaness del Moral bilang Hillary Suarez.

Sa Widows' Web, nakilala si Hillary bilang kaibigan at business colleague ni Jackie (Ashley Ortega), na nagkaroon din noon ng relasyon sa namatay na asawa ng huli na si Alexander Sagrado III o mas kilala sa tawag na AS3 (Ryan Eigenmann).

Base sa teaser na inilabas ng Royal Blood ngayong Lunes (July 3), bibisita si Hillary sa mansyon ng Familia Royales. Ipinasilip din ang pag-uusap nila ni Margaret (Rhian Ramos) bilang magkaibigan.

Bukod dito, may pasilip na rin sa mga magaganap ngayong linggo sa Royal Blood kung saan mapapanood na ang pagkamatay ni Gustavo Royales (Tirso Cruz III). Pinili ring manatili ni Napoy (Dingdong Dantes) sa mansyon para hanapin ang pumatay sa ama.

Abangan ang pagbisita ni Vaness del Moral bilang Hillary sa Royal Blood ngayong Lunes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa GMANetwork.com.

TINGNAN ANG STYLISH LOOKS NI VANESS DEL MORAL BILANG HILLARY SUAREZ NG WIDOWS' WEB SA GALLERY NA ITO: