GMA Logo Royal Blood
What's on TV

Pagkamatay ni Gustavo sa 'Royal Blood,' umani ng iba't ibang espekulasyon mula sa netizens

By Aimee Anoc
Published July 5, 2023 3:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Royal Blood


Inabangan ng manonood ang malagim na nangyari kay Gustavo Royales sa episode 12 ng 'Royal Blood,' na nakakuha ng 10.1 percent na ratings.

Umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens ang malagim na sorpresang nangyari sa episode 12 ng Royal Blood noong Martes (July 4) kung saan napanood ang pagkamatay ni Gustavo (Tirso Cruz III).

Espekulasyon ng ilang netizens na maaaring isa sa magkakapatid na Kristoff (Mikael Daez), Margaret (Rhian Ramos), Beatrice (Lianne Valentin), at Napoy (Dingdong Dantes), maging nina Diana (Megan Young) at Andrew (Dion Ignacio), ang pumatay kay Gustavo. Mayroon ding ilang nagsasabi na maaaring palabas lamang ni Gustavo ang pagkamatay nito.

Sa episode 12 ng Royal Blood, hindi pa man nagsisimula ang birthday party para kay Archie (Aidan Veneracion) ay agad nang nagkainitan sina Diana at Margaret. Nadagdagan pa ito nang dumating si Napoy kung saan kinompronta naman siya nina Beatrice at Margaret tungkol sa pag-alis nito sa mansyon.

Agad namang kinuwestiyon ni Margaret ang pagdating ng amang si Gustavo at tinanong kung bakit pumunta ito nang hindi naman inimbita. Pero ang hindi alam ni Margaret ay mismong si Diana ang nag-imbita kay Gustavo dahil gusto ni Archie na naroroon ang kanyang lolo.

Sa pagsisimula ng selebrasyon, nagbigay ang magician ng treasure maps sa mga bata na magtuturo sa lugar kung saan mangyayari ang inihanda niyang magic. Bago pa man makarating ang mga bata sa playhouse, makikitang kausap ni Gustavo si Emil (Arthur Solinap) sa telepono at tinatanong kung anong oras ito darating. Si Gustavo rin ang pinahawak ng cake ng magician bago nito ihatid ang mga bata sa playhouse.

Sa pagdating ng lahat sa playhouse, sinimulan na ng magician ang magic nito kung saan sa isang mahiwagang box ay mawawala nang parang bula ang isang tao. Ang napiling volunteer para rito ay si Napoy. Sa pagpasok sa mahiwagang box, nagtaka si Napoy kung bakit natagalan ang magician sa pagbukas ng pinto.

Dito, lumabas siya at inalam kung bakit napahinto ang magician. Sa pagbukas ng harapang pinto, dito na tumambad ang patay na katawan ni Gustavo na may saksak sa likod.

Sa teaser na inilabas ng Royal Blood ngayong Miyerkules (July 5), sa pagtuturuan ng magkakapatid kung sino ang gumawa nito sa kanilang ama, kinumpirma ni Emil na wala na si Gustavo.

Samantala, nakakuha ng double digit na ratings ang episode na ito ng Royal blood na pumalo sa 10.1 percent base sa Nutam People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.

Patuloy na subaybayan ang Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa GMANetwork.com.

Panoorin ang full episode 12 ng Royal Blood sa video na ito:

KILALANIN ANG CAST NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO:

&nb