
Mas tumaas pa ang ratings ng Royal Blood na pumalo sa 11.1 percent noong Biyernes (July 7), ang pinakamataas nitong ratings to date.
Talaga namang mainit na inabangan ng manonood ang mga susunod na mangyayari sa Royal Blood matapos na madiskubre ni Napoy (Dingdong Dantes) na buhay ang amang si Gustavo (Tirso Cruz III).
Bukod sa mataas na ratings, umani rin ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens ang mga tumitinding eksena na ito sa Royal Blood.
Ain't called the unkabogable suspenserye of 2023 for nothing 💁♀️#RBBackFromTheDead#RoyalBlood https://t.co/Mf2BotHCpE
-- Mary Anne Primera (@CrimetimeQueen) July 7, 2023
Super mind-blowing!! Hanep sa mga pasabig! Walang katapusan eh. Parang everyday may twists.
-- SunShine Moeyersons (@OnealEnyhs) July 7, 2023
Rhian Ramos | Margaret Royales#RBBackFromTheDead https://t.co/jpVN2Ny4vm
Nakakasindak naman tong Royal Blood!! Talo pa Horror Series s sobrang kaba ko s mga eksena at confrontation scenes!! Deadly Satisfying!! Go Royalistas! #RBBackFromTheDead
-- Donya Pashnea🤬 (@kaPUSOguardian) July 7, 2023
Parang Hindi ka pwede umabsent sa panunood otherwise nahuhuli ka sa kwento sa dami ng twist at ambilis ng kwento.#RBBackFromTheDead
-- SunShine Moeyersons (@OnealEnyhs) July 7, 2023
Rhian Ramos | Margaret Royales https://t.co/KtAV9zKZYo
Another thing, akala ko mawawalan na sila ng idea para sa magiging twist ng story kasi ang ganda din tlga ng WW. Pero iba to, another set of characters na ibang iba sa WW at binibend talaga yung usual na nangyayari sa teleserye pero yung intensity andun padin.#RBBackFromTheDead
-- M i n (@NotSoSweetPtato) July 7, 2023
Sa true! Mapapaisip talaga ang viewers sa twists ng story.#RBBackFromTheDead https://t.co/cTgHWIk1qW
-- Empress K (@EmpressKxxx) July 7, 2023
Gustong-gusto ko talaga ang mga ganitong genre kaya enjoy na enjoy ako sa show na to eh. Napapaisip ako at ang bilis talaga ng pacing. #RBBackFromTheDead
-- M i n (@NotSoSweetPtato) July 7, 2023
Perfect musical scoring! It adds tension to the scene.#RBBackFromTheDead
-- Empress K (@EmpressKxxx) July 7, 2023
Sa episode 15 ng Royal Blood, hindi naiwasan ni Napoy na magalit sa ginawa ng ama at nakapagsalita nang hindi maganda. Agad namang pinutol ni Gustavo ang mga sinasabi sa kanya ni Napoy at ipinaliwanag kung bakit niya nagawang pekein ang sariling pagkamatay para lamang malaman kung sino sa mga anak niya ang gustong pumatay sa kanya.
Sinabi naman ni Napoy sa ama ang hinala nito na si Kristoff ang sumaksak sa kanya dahil nakita sa huli ang cufflink na suot nito nang masaksak ito. Hindi agad na sumang-ayon si Gustavo sa hinalang ito ni Napoy dahil maaaring nagsasabi si Kristoff (Mikael Daez) ng totoo na may nag-set up lamang siya.
Ikinuwento ni Gustavo kay Napoy kung paanong pinagtangkaan siyang patayin noon ng dalawa nitong kapatid na babae na sina Beatrice (Lianne Valentin) at Margaret (Rhian Ramos).
Dahil sa mga nangyayari, sinabi ni Napoy sa ama na maaaring pagkakataon na ito para ayusin ni Gustavo ang relasyon sa mga anak.
Sa pag-uwi sa mansyon, agad na sumalubong kay Napoy ang mga kapatid at siya ang itinuturong salarin sa nangyari kay Gustavo. Dumagdag pa sa hinala nina Kristoff, Margaret, at Beatrice ang pagsisinungaling ni Tasha (Rabiya Mateo) dahil sa pahayag nito sa mga pulis na hindi nawala sa paningin niya si Napoy at imposibleng ito ang sumaksak kay Gustavo.
Patuloy na subaybayan ang maiinit na mga tagpo sa Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa GMANetwork.com.
Panoorin ang full episode 15 ng Royal Blood sa video na ito:
KILALANIN ANG CAST NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: