GMA Logo Tirso Cruz III
What's on TV

Tirso Cruz III shares advice on how to be successful as an actor

By Aimee Anoc
Published June 25, 2023 6:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Tirso Cruz III


Tirso Cruz III: "'Wag mong isipin na gusto mong talunin 'yung kapwa mong artista. Ang talunin mo, ang sarili mo."

Isa ang multi-awarded actor na si Tirso Cruz III sa masasabing pinakakilala at respetadong artista sa bansa.

Sa hindi na mabilang na iba't ibang proyekto nito sa pelikula man at telebisyon, nananatiling mahusay at remarkable ang bawat role na ginagampanan nito.

Sa isang online exclusive interview para sa Royal Blood kung saan nakasama niya si Primetime King Dingdong Dantes, ibinahagi ni Tirso ang ilan sa sikreto ng matagumpay niyang karera bilang isang aktor.

Una na rito ay ang paghahanap ng iba't ibang atake sa bawat role na ibinibigay sa kanya.

Kuwento niya, "Ako kasi actually, in reality, every role for me is a distinct role. Every role is different kasi I try as much as possible na 'pag may ibinigay na role sa akin, I try to look for a different attack to it.

"Kahit na, sabihin mo nang kadalasan kasi ang ibinibigay sa aking role ngayon ay medyo black or gray matter ako, so syempre mahirap maghanap ng... kasi kapag hindi mo iningatan magkakapareho itsura nung gagawin mo. So ang challenge is how to differentiate each character that you play as much as possible para mailayo mo sa last character or past few characters na ginawa mo."

Ibinahagi rin ng batikang aktor ang natutunan niya sa industriya na hanggang ngayon ay dala-dala pa rin niya.

"Once upon a time, there was a senior actor na nagsabi sa akin, 'Wag mong isipin na gusto mong talunin 'yung kapwa mong artista. Ang talunin mo, ang sarili mo.' Kumbaga, kung ano 'yung ginawa mo nung huli, kailangan i-better mo 'yun," sabi ni Tirso.

Si Tirso ay kabilang sa star-studded na cast ng pinakamalaking suspenserye ngayon sa primetime, ang Royal Blood, kung saan gumaganap siya isang espesyal at mahalagang role--si Gustavo Royales.

Abangan si Tirso sa Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa GMANetwork.com.

KILALANIN ANG CAST NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: