TV

Rabiya Mateo, masayang nakatrabaho ang 'queen inspiration' na si Megan Young sa 'Royal Blood'

By Aimee Anoc

Kung mayroon mang pinanghuhugatan ng inspirasyon si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa kanyang unang drama series sa cast ng Royal Blood, ito ay ang kapwa niya beauty queen-actress na si Miss World 2013 Megan Young.

Kuwento ni Rabiya, noon pa man ay queen inspiration na niya si Megan kaya naman masaya at excited siya sa pagkakataon na makatrabaho sa iisang serye ang iniidolo.

"Actually, si Megan Young talaga at hindi ko naman ikinakaila sa lahat na she's been my queen inspiration talaga ever since," sabi ng beauty queen-actress sa naganap na international media conference ng Royal Blood na inorganisa ng GMA Pinoy TV.

Dagdag ni Rabiya, "So, working with her as a fan, gusto ko 'yung dynamics namin kasi 'yung role ko bilang Tasha at siya bilang Diana nagpapataasan. So 'yung challenge doon, paano ko siya tataasan, e, idol ko nga siya.

"Pero Megan, she's very generous with her ideas even kahit wala pa kami sa set she would throw lines. She would help me with my script, kung ano 'yung dapat kong gawin, ano 'yung dapat kong iwasan. So I guess, it was also the chemistry.

"And excited ako sa mga scenes namin na padating kasi 'yung mga tao naloloka, tinginan pa lang namin, kaunting away pa lang namin. Paano pa kaya 'pag nagpisikalan na kami ni Megan Young?" natatawang kuwento niya.

Ibinahagi naman ni Megan ang sweet na kuwento ng paghanga sa kanya ni Rabiya noong highschool pa lamang ang huli.

"Rabiya and I have talked about this. And she was so sweet and so cute when she made kuwento about how she messaged me on Twitter years back. Parang college ka ba o high school ka nu'ng time na 'yun? Na minessage niya raw ako sa Twitter and tapos ako raw 'yung unang nag-reply raw sa kanya," kuwento ni Megan.

Pagpapatuloy niya, "Tapos sobrang sweet ng interaction and then I said, 'Can you believe that we're actually working together?' And it's really funny how... where life takes you 'di ba? You didn't know you'd be on this spot. But I mean, to be fair, I was also in Rabiya's position before when I joined StarStruck so para siyang nag-360 e'.

"I don't know, it's pretty cool. It's pretty cool to see where life has taken her na from being somebody na who would just watch a TV show now she's the one starring in a primetime show in GMA. Malay mo Rabiya there might be somebody out there that's messaging you on Instagram tapos maka-work mo rin siya in the future."

Kapwa napapanood sina Rabiya at Megan sa pinakamalaking suspenserye ngayon sa primetime, ang Royal Blood. Patuloy silang subaybayan sa Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa Kapuso Stream.

TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS NG CAST NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: