
Matapos na makakuha ng 11.1 percent na ratings noong July 7, muling nakapagtala ng kaparehong ratings ang Royal Blood nitong Huwebes, July 13, para sa episode 19, ang pinakamataas nitong ratings to date.
Mainit na sinubaybayan ng Royal Blood viewers kung aksidente nga ba ang pagkamatay ni Gustavo (Tirso Cruz III). Pero hinala ni Napoy (Dingdong Dantes) na hindi ito isang aksidente at may pumatay sa ama.
Thanks to Mr. Tirso Cruz III for his great portrayal of Gustavo Royales.#RoyalBlood #RBAccidentOrMurder https://t.co/aaicVTGY0w
-- CiCi Clair Rojo (@cicicrojo) July 13, 2023
Hulaan na naman tayo!! Back to Zero ulit!! Gusto ko toh!! Mapapaisip ka talaga!! Ginagawa tayong detective ng show nato!! Im IN!! #RBAccidentOrMurder
-- Donya Pashnea🤬 (@kaPUSOguardian) July 13, 2023
Murder yan kasi napansin ko ang position ng unconcious body ni Gustavo facing the opposite direction kung pabalik na sya ng Horse Stable at may sumalubong sa kanya na makakapag-startle sa kabayo nya dapat bumagsak sya mismo sa road pero natagpuan sya sa gilid #RBAccidentOrMurder
-- DeCharde (@DeCharde) July 13, 2023
Murder yan kasi napansin ko ang position ng unconcious body ni Gustavo facing the opposite direction kung pabalik na sya ng Horse Stable at may sumalubong sa kanya na makakapag-startle sa kabayo nya dapat bumagsak sya mismo sa road pero natagpuan sya sa gilid #RBAccidentOrMurder
-- DeCharde (@DeCharde) July 13, 2023
Hindi ko kinaya si margaret dito #RBAccidentOrMurder https://t.co/B2SnrwSK42
-- DREAMwasTAKEN (@MRdreamwastaken) July 13, 2023
Diana Royales is the mastermind of her own game and Kristoff Royales is her follower.#RoyalBlood #RBAccidentOrMurder https://t.co/ifjzS1NCd8
-- CiCi Clair Rojo (@cicicrojo) July 14, 2023
Pati pala si Margaret mismo, trending na rin! That tawa-iyak scene really got us#RBAccidentOrMurder
-- RaStro Rebels New Gen (@rastronewgen) July 13, 2023
Rhian Ramos | Margaret Royales pic.twitter.com/mVmCnmBYJH
Sino nga ba? Spell the tea na! :D huwag niyo na kami pahirapan
-- SunShine Moeyersons (@OnealEnyhs) July 13, 2023
Rhian Ramos | Margaret Royales#RBAccidentOrMurder https://t.co/hp6zBVQmM4
Sa episode 19 ng Royal Blood, nalaman ng magkakapatid na Kristoff (Mikael Daez), Margaret (Rhian Ramos), Beatrice (Lianne Valentin), at Napoy, na matinding tama sa ulo ang sanhi ng pagkamatay ng kanilang ama.
Ayon sa doktor, nag-match ang tama sa ulo ni Gustavo sa nakitang bato kung saan ito nakahandusay. Kaya naman paniniwala ng magkakapatid na aksidente ang nangyari sa kanilang ama. Pero may hinala si Napoy na hindi aksidente ang pagkamatay ni Gustavo.
Sa pag-uwi sa mansyon, sinundan ni Napoy si Emil (Arthur Solinap) matapos ang pakikipag-usap nito sa tatlong kapatid. Dito na nalaman ni Napoy na sinesante na ng mga kapatid niya si Emil dahil hindi na nila ito kailangan at patay naman na si Gustavo.
Sinabi naman ni Emil kay Napoy ang hinala niya na maaaring isa kina Kristoff, Margaret, at Beatrice ang may pakana sa nangyari kay Gustavo. Sa pagbalik sa ospital, ipinangako ni Napoy sa walang buhay na ama na hahanapin nito ang may gawa nito sa kanya.
Patuloy na subaybayan ang maiinit na mga tagpo sa Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa Kapuso Stream.
Panoorin ang full episode 19 ng Royal Blood sa video na ito:
TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS NG CAST NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: