GMA Logo royal blood
What's on TV

Planong pagdidiin kay Napoy bilang prime suspect, nakakuha ng 11.4 percent na ratings!

By Aimee Anoc
Published July 27, 2023 2:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

royal blood


Bukod sa mataas na ratings, nag-trend din online ang Royal Blood!

Maiinit na tinutukan at pinag-usapan online ang mga nakagugulat na rebelasyon sa Royal Blood kahapon, July 26.

Nag-trend sa Twitter Philippines ang hashtag ng episode 28 na "RBCCTVFootage" kung saan umani ng iba't ibang reaksyon mula sa Royal Blood viewers ang pagkabunyag ng sikreto ni Margaret (Rhian Ramos) at ang plano ng magkakapatid na Kristoff (Mikael Daez), Margaret, at Beatrice (Lianne Valentin) na tanggalan ng mana si Napoy (Dingdong Dantes).

Nakakuha rin ng mataas na ratings ang episode 28 na umabot sa 11.4 percent base sa Nutam People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.

Panoorin ang full episode 28 ng Royal Blood sa video na ito:

Patuloy na subaybayan ang maiinit na mga tagpo sa Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa Kapuso Stream.

TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS NG CAST NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: