GMA Logo Royal Blood
What's on TV

'Royal Blood' trends at no. 1 on Twitter Philippines as Beatrice escapes death

By Aimee Anoc
Published August 16, 2023 10:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Royal Blood


Nag-trend sa Twitter Philippines ang 'Royal Blood' noong Martes, August 15.

Maraming netizens ang natuwa sa ilang cute na eksena nina Napoy (Dingdong Dantes) at Beatrice (Lianne Valentin) sa episode 42 ng Royal Blood na umere noong Martes, August 15.

Sa nasabing episode, masayang-masaya si Napoy na malaman na buhay ang bunsong kapatid na si Beatrice matapos na mahulog ang kotse nito sa bangin.

Samantala, kahit hindi pa alam ang tunay na kalagayan ni Beatrice, pinagplanuhan na nina Kristoff (Mikael Daez) at Margaret (Rhian Ramos) ang mangyayari sa Royales estate kung sakaling tuluyang mawala ang huli.

Nag-trend sa Twitter Philippines ang hashtag ng episode 42 na "RBEscapingDeath" kung saan umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens ang nangyari kay Beatrice at ang cute na mga eksena nito kasama si Napoy.

Humataw rin sa ratings ang episode 42 ng Royal Blood na pumalo sa 10.4 percent base sa Nutam People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.

Panoorin ang full episode 42 ng Royal Blood sa video na ito:

Patuloy na subaybayan ang Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa Kapuso Stream.

TINGNAN ANG ILANG NAKATUTUWANG MEMES NG FAMILIA ROYALES SA ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: