GMA Logo Megan Young Royal Blood
What's on TV

Megan Young, puring puri ng netizens ang husay sa 'Royal Blood'

By Aimee Anoc
Published September 15, 2023 3:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Megan Young Royal Blood


Basahin ang mga papuring natanggap ni Megan Young mula sa 'Royal Blood' viewers dito.

Patuloy na umaani ng papuri mula sa manonood ang husay na ipinapakita ni Megan Young bilang Diana sa hit murder mystery series na Royal Blood.

Pinag-usapan online ang matinding emosyong ipinaramdam ng karakter nito sa Episode 64 ng Royal Blood kung saan ipinagtapat na ni Diana kay Kristoff (Mikael Daez) ang pagkakaroon nila noon ng relasyon ni Napoy (Dingdong Dantes).

Ramdam na ramdam ng manonood ang galit na mayroon si Diana para kay Kristoff at ang pagmamahal na mayroon ito bilang isang ina. Sabi pa ng netizen na si @BobOng_Makata, "This is Megan's episode. She was the devoted mother, the aggrieved wife, the jilted ex-lover. And she all played those parts to perfection."

Sa Episode 64 ng Royal Blood, nang muling makitang magkasama sina Napoy at Diana, hindi na napigilan ni Tasha (Rabiya Mateo) ang sarili na magsabi kay Kristoff ng pagdududang nararamdaman niya tungkol sa tunay na relasyong namamagitan kina Napoy at Diana.

Dahil dito, agad na pinuntahan ni Kristoff si Diana, na papaalis na sana kasama si Archie (Aidan Veneracion). Nais nang makalayo ni Diana mula sa pang-aabusong nararanasan nila ni Archie kay Kristoff.

Nang tanungin ni Kristoff kung mayroon ba silang affair ni Napoy, dito na ipinagtapat ni Diana na dati silang magkasintahan ni Napoy. Dahil sa galit, makailang beses na nasuntok ni Kristoff si Napoy at nabaril din niya ito sa braso. Pinagtangkaan din ni Kristoff na barilin si Diana.

Nag-trend sa Twitter Philippines ang hashtag ng Episode 64 na "RBExposingTheExlovers" at humataw rin ito sa ratings na pumalo sa 11.0 percent.

Patuloy na subaybayan si Megan bilang Diana sa huling dalawang linggo ng Royal Blood, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa Kapuso Stream.

TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS NI MEGAN YOUNG SA ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: