GMA Logo dingdong dantes and rhian ramos
What's on TV

Dingdong Dantes, Rhian Ramos, suportado ang pagdating ng 'Royal Blood' sa Netflix ngayong March 15

By Aimee Anoc
Published March 14, 2024 1:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

AZ Martinez, Vince Maristela bring joy, Christmas gifts to young cancer patients
Isa ka hinuptanan nga karabaw, nasapwan nga nakabitay sa Ibajay, Aklan | One Western Visayas
Sparkle artists, bibida sa GMA Radio 'Higanteng Pasasalamat' event

Article Inside Page


Showbiz News

dingdong dantes and rhian ramos


Abangan ang pagdating ng hit murder mystery series na 'Royal Blood' sa Netflix ngayong March 15.

Mapapanood na sa Netflix ngayong Biyernes, March 15, ang Philippine's biggest murder mystery series noong 2023 na Royal Blood, na pinagbidahan ng nag-iisang Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Buo ang suporta ng cast ng Royal Blood sa pagdating nito sa Netflix, na mapapanood hindi lang sa Pilipinas kung hindi maging sa Asia Pacific at Middle East.

Ilan sa cast na nagpakita ng suporta at excitement sa pagdating ng Royal Blood sa Netflix ay sina Dingdong Dantes, Rhian Ramos, Lianne Valentin, Aidan Veneracion, at Princess Aliyah.

Maraming netizens din ang nagpaabot ng kanilang excitement ngayong mapapanood na sa Netflix ang Royal Blood.

Mula nang umere ang unang episode ng Royal Blood sa GMA Prime noong June 19, 2023 hanggang sa pagtatapos nito noong September 22, 2023, talaga namang mainit na tinutukan ng manonood ang bawat episode patunay ang matataas nitong ratings at nagte-trending na episodes.

Bukod kay Dingdong Dantes, ilan pa sa star-studded cast na bumuo sa Royal Blood ay sina Megan Young, Mikael Daez, Dion Ignacio, Lianne Valentin, Rabiya Mateo, at Rhian Ramos, kasama sina Tirso Cruz III, Ces Quesada, Benjie Paras, Carmen Soriano, Arthur Solinap, James Graham, Aidan Veneracion, Princess Aliyah, at Sienna Stevens.

KILALANIN ANG CAST NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: