'Royal Blood' pilot episode, triple trending na, panalo pa sa ratings!

Mainit ang naging pagtanggap ng manonood sa pinakabagong suspenserye ng GMA, ang Royal Blood, na pinagbibidahan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
Nakakuha ang pilot episode nito ng ratings na 9.8 percent base sa data ng Nationwide Urban TV Audience Measurement (NUTAM) People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.
Bukod sa mataas na ratings, triple trending din ito sa Twitter Philippines kung saan nasa ikaapat na pwesto ang hashtag na "RoyalBlood." Nag-trend din ang hashtag "RabiyaOnRoyalBlood" at ang "RoyalBlood WorldPremiere."
Basahin ang ilang papuring natanggap ng Royal Blood sa pilot episode nito rito.









