'Royal Blood' viewers aliw sa karakter ni Rabiya Mateo: 'Hindi papakabog'

Kinagigiliwan ngayon ng Royal Blood viewers ang "kabogerang" karakter ni Tasha, na ginagampanan ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.
Talaga namang kapansin-pansin ang palaban at hindi patatalong karakter nito sa Royal Blood kahit pa mayayaman ang kanyang kinakaharap tulad ng magkakapatid na Royales na sina Kristoff (Mikael Daez), Margaret (Rhian Ramos), at Beatrice (Lianne Valentin), at maging ang kinaseselosan niya ngayong si Diana (Megan Young).
Sa hit murder mystery series, kasalukuyang may relasyon si Tasha kay Napoy (Dingdong Dantes). Siya rin ang tumatayong ina at tagapag-alaga ng anak ng huli na si Lizzie (Sienna Stevens).
Tingnan ang magagandang komentong natatanggap ni Rabiya Mateo sa kanyang unang drama series sa gallery na ito:









