Megan Young shares snaps from Royal Blood's last taping day

Sa loob ng limang buwang taping na nagsimula noong April 12, isang masayang pamilya ang nabuo ng cast at crew ng hit murder mystery series na Royal Blood.
Patunay rito ang mga behind-the scenes kulitan at bonding moments ng cast sa set at magandang samahan ng bawat isa.
Sa pagtatapos ng taping ng Royal Blood noong Miyerkules (September 13), ibinahagi ni Miss World 2013 Megan Young ang ilang sa masasayang moments niya kasama ang cast at maging ang sorpresang natanggap sa set.
Tingnan ang ilang kuha ni Megan Young sa last taping day ng Royal Blood sa gallery na ito:






