Sa loob ng limang buwang taping na nagsimula noong April 12, isang masayang pamilya ang nabuo ng cast at crew ng hit murder mystery series na Royal Blood.
Patunay rito ang mga behind-the scenes kulitan at bonding moments ng cast sa set at magandang samahan ng bawat isa.
Sa pagtatapos ng taping ng Royal Blood noong Miyerkules (September 13), ibinahagi ni Miss World 2013 Megan Young ang ilang sa masasayang moments niya kasama ang cast at maging ang sorpresang natanggap sa set.
Tingnan ang ilang kuha ni Megan Young sa last taping day ng Royal Blood sa gallery na ito:
Sa huling dalawang linggo ng Royal Blood, ibinahagi ni Megan Young ang excitement na masaksihan ng lahat ang journey ng Familia Royales.
Ipinakita ni Megan Young ang ilang bonding moments kasama ang cast sa huling araw ng taping ng Royal Blood noong Miyerkules, September 13. Mula kaliwa: Dingdong Dantes, Mikael Daez, Lianne Valentin, at Direk Dominic Zapata.
"We just finished our last taping day and I can't believe that I am not waking up to another day of being Diana Royales," pagbabahagi ni Megan Young tungkol sa pinagbibidahang karakter sa Royal Blood.
Dagdag pa ni Megan Young, nag-enjoy siyang gampanan ang karakter ni Diana Royales sa Royal Blood. Sabi niya, "She had so many flaws (as the rest of the characters) but I enjoyed embodying her truth and bringing the character to life."
Paniguradong maraming makaka-miss sa sweet na mother-and-son moments nina Diana (Megan Young) at Archie (Aidan Veneracion) sa Royal Blood. Komento ni Aidan sa post na ito ni Megan, "Fosho gonna miss my Royal Blood parents. Archie loves you, Mommy!"
Nakatanggap ng sorpresa si Megan Young sa set ng Royal Blood. Pasasalamat ng aktres, "Thank you to @cyberhians for the sweet surprise - a bouquet of flowers in my favorite colors."
Patuloy na subaybayan si Megan Young bilang Diana sa huling dalawang linggo ng Royal Blood, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.