'Royal Blood' finale, may 'thrilling surprise' sa dulo ayon kay Dingdong Dantes

GMA Logo Dingdong Dantes in Royal Blood finale

Photo Inside Page


Photos

Dingdong Dantes in Royal Blood finale



May inihandang sorpresa ang hit murder mystery series na Royal Blood para sa kanilang manonood sa finale episode nito ngayong Biyernes, September 22.

Sa Instagram post, ibinahagi ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang hindi dapat na palampasin sa huling episode ng pinagbibidahang primetime series.

"So, for our finale tonight, make sure to watch 'til after the credits because there's a thrilling surprise waiting for you at the end!"

Sa pagtatapos ng Royal Blood, ani Dingdong, excited siya na gumawa ng mas marami pang ganitong klaseng mga proyekto.

Talaga namang kaabang-abang ang huling mga pasabog sa pagtatapos ng Royal Blood. Huwag palampasin ang natitira pang mga eksena na sasagot sa katanungang sino nga ba ang kasabwat ni Margaret sa pagpatay kay Gustavo.

Ano na ang susunod na mangyayari sa Royales siblings? Makakaligtas kaya si Diana? Sino ang mamumuno sa Royales Motors? At makakabalik pa kaya si Napoy sa dati nitong tahimik na buhay?

Panoorin hanggang dulo ang finale episode at hintayin ang inihandang post-credits scenes ng Royal Blood!

SAMANTALA, BALIKAN ANG EPISODE KUNG SAAN INAMIN NI MARGARET NA SIYA ANG PUMATAY KAY GUSTAVO:


Entrapment
Syringe
Paghahanap sa killer
Diana
Beatrice
Kristoff at Napoy
Margaret
Paghuli kay Margaret
Si Margaret ang killer
Lumason kay Gustavo
Pakiusap
Kasabwat

Around GMA

Around GMA

Bato dela Rosa 'unavailable' due to safety concerns, lawyer says
PNP defends protocol in arrest during carnapping