TV

Miguel Tanfelix on bonding with the fellow Runners: 'Extra effort din po sa akin na makisama'

By Aedrianne Acar

Kumpirmado na ang Sparkle heartthrob na si Miguel Tanfelix ang bagong Runner sa season two ng Running Man Philippines.

Kahapon, January 23, inanunsyo sa Fast Talk with Boy Abunda na ang former Voltes V: Legacy actor ang kukumpleto sa cast. Nasa South Korea ngayon si Miguel at iba pang cast para sa shooting ng hit reality-variety show na kukunan sa kalagitnaan ng winter season.

Samantala naka-chikahan ng netizen ang cast ng Running Man Philippines sa Kapuso ArtisTambayan ngayong hapon at dito nagkuwento sina Mikael Daez, Glaiza De Castro, Buboy Villar, Lexi Gonzales, Kokoy de Santos, Angel Guardian at si Miguel sa experience nila sa shooting ng show sa Korea.

Ayon sa newest Runner na si Miguel, naramdaman daw niya agad ang pag-welcome sa kaniya ng mga Runners, “Very welcoming nga po sila sa akin e. Parang 'pag may joke ako na corny sinusuportahan nila. Na-appreciate ko naman.”

Dito ni-reveal din ng Kapuso actor na pagkadating nila sa Korea ay sumabak na agad sila sa isang challenge.

“Tapos ang maganda dun, after nung pagkalapag na pagkalapag nila diretso agad kami sa challenges.

“So, medyo na-test din agad 'yung chemistry namin. Kaya, unexpected talaga lahat.” kuwento ni Miguel.

Paano naman kaya siya nag-adjust sa ibang cast na magkakasama na sa unang season ng programa?

Pag-amin ng 25-year-old actor, “Extra effort din po sa akin na siyempre makisama dahil buo na po sila. Buti na lang po si Kokoy [de Santos] lagi ako niyaya kumain.”

GUWAPO PHOTOS OF MIGUEL TANFELIX:

Dahil sa sobrang lamig ng panahon at very physically demanding ang ginagawa nilang mission sa Running Man Philippines, binigyan-diin ni Glaiza a.k.a Boss G na dapat ay fit silang lahat sa tuwing may taping.

Paliwanag niya sa Kapuso ArtisTambayan, “Hindi po talaga maiiwasan na hindi maghanda, kasi even here kagagaling lang natin ng gym 'di ba. Naghahanda pa rin kami even pag nandito kami. Kasi, mahirap magkasakit. Ang lamig ng panahon , 'tapos physical pa 'yung ginagawa namin. So, kahit minsan nakakatamad dahil ang lamig, pero pinipilit pa rin namin 'yung sarili namin na mag-work out.”

Taos-puso naman ang pasasalamat ng comedian-vlogger na si Buboy Villar sa fans ng Running Man Philippines dahil sa galing daw nila na “mag-manifest” ay nangyari ang season two.

Aniya, “Pasalamat muna kami sa lahat ng fans kasi hindi mangyayari to kung hindi, dahil sa kanila. Sa init ng suporta nila. Actually, ang tagal ng walang Running Man na hindi kami tumakbo, isang taon.”

“Naghantay sila, talagang dumadaan pa sa mga feed namin 'yung mga fans ng Running Man na nami-miss talaga kami. At malaking tulong 'yung manifestation nila na makabalik uli, makatakbo uli para sa winter naman.”