GMA Logo Running Man Philippines
Source: mikaeldaez (IG)
What's on TV

Mikael Daez, binigyan si Miguel Tanfelix ng one-on-one lesson sa nametag ripping mission

By Aedrianne Acar
Published February 5, 2024 4:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP calls on parents, teachers to monitor minors' online activity after Tacloban shooting
Bagyong Francisco nga anaa sulod sa PAR, nagkakusog | Balitang Bisdak
This luxury brand is elevating pet care with dermatology and skin treatments

Article Inside Page


Showbiz News

Running Man Philippines


Excited na ba kayo sa first nametag ripping mission ng 'Running Man Philippines' Season 2?

Isa sa pinakainaabangan sa Running Man Philippines Season 1 ay sa tuwing may nametag ripping mission ang episode.

Talagang masusubukan ang lakas, talino, at diskarte ng Runners sa tuwing ito ang kanilang game.

Kaya sa isang web exclusive video na in-upload ng reality show last February 2 sa Facebook, makikita na binibigyan ng quick lesson ni Mikael ang newest Runner nila na si Miguel Tanfelix.

Mikael and Miguel

Source: GMA Network

Tila isang reunion project ito para kina Mikael at Miguel na nagkasama sa hit sitcom na Ismol Family na pinagbibidahan noon nina Ryan Agoncillo at Carla Abellana.

Gumanap si Mikael bilang ang beki na si Bernie, samantala ang role naman ni Miguel ay si Tan-Tan.

Sa panayam ng Updated with Nelson Canlas sa ating pinakabagong Runner, ibinahagi ni Miguel Tanfelix na “curious” siya na higit na makilala ang ibang cast ng Running Man Philippines.

Paliwanag niya, “Masaya ako, of course, kasama ko sila dahil 'yung ibang mga Runners is matagal ko nang kilala like sina Kap Mikael Daez, Kokoy. Magkababata kami ni Kokoy.

“Excited ako na makalaro sila and, of course, curious din ako. Curious din ako na makilala 'yung iba pa lalo, curious ako kung paano sila maglaro, kung paano sila as a person. So, ngayon lagi kami lumalabas, lagi kami nagla-lunch, nagdi-dinner. So, konti-konti naman namin nakilala 'yung isa't isa.”

RELATED CONTENT: RUNNERS ENJOYING THE COLD WEATHER IN KOREA