GMA Logo Angel Guardian
What's on TV

Angel Guardian, na-challenge sa skin care routine habang nasa taping ng 'Running Man Ph'

By Kristian Eric Javier
Published June 2, 2024 5:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 2) APRIL 15, 2026 [HD]
Novena begins for Manaoag centennial coronation

Article Inside Page


Showbiz News

Angel Guardian


Hindi lang missions ang pinagdaanan nina Angel Guardian at iba pang runners ng 'Running Man Ph'

Hindi lang challenges mula sa missions ang hinarap ng Running Man Philippines star na si Angel Guardian, ngunit maging sa kaniyang skin care routine. Ayon sa aktres, naging malaking epekto ang malamig na klima ng Korea sa kanilang mga balat habang nagshu-shoot.

Sa interview niya kay Lhar Santiago para sa 24 Oras Weekend, ikinuwento ni Angel ang mga naranasan nila ng ibang Runners habang nagte-taping sa South Korea.

Aniya, “Akala ko nu'ng una, 'Uy, umo-okay 'yung skin ko a?' kasi siyempre malamig. Pero eventually, sa sobrang lamig, nag-dry naman tapos 'yun, nag-break out din ako.”

Kuwento pa ni Angel, ibang-iba ang mga challenges sa Running Man Philippines ngayon, kumpara sa nakaraang season. Aniya, marami pang “kampihan at trayduran” na magaganap at mapapanood ngayong season.

Isa pa sa mga naging challenge nila ay nag klima at sa epsiode nila nitong Sabado, June 1, ay napuntahan nila ang pinakamalamig na lugar sa South Korea.

“Kasi negative 22. Tapos may takutan pang magaganap, ay, excited na'ko,” sabi niya.

BALIKAN ANG WINTER ADVENTURE NG 'RUNNING MAN PH' RUNNERS SA SOUTH KOREA SA GALLERY NA ITO:

Bukod sa TV reality competition, naghahanda na rin si Angel at kapwa niya Runner na si Glaiza de Castro para sa nalalapit na fantasy drama series nila na Encantadia Chronicles: Sang'gre. Kuwento niya ay madalas nilang napag-uusapan ng co-actor ang mga nagaganap sa tapings.

“Nag-a-update-an kami, ina-update niya ako sa kung kamusta na ba, kung ano na nangyayari sa taping ng Sang'gre, kung ano 'yung mga ginagawa nila sa set, paano 'yung takbo nung mga eksena,” sabi niya.

Dagdag pa ni Angel, “Nararamdaman ko na, Kuya Lhar, malapit na akong mag-taping.”

Gaganap si Angel bilang si Deia, ang bagong tagapangalaga ng brilyante ng hangin. Babalik naman si Glaiza bilang si Pirena, ang dating nagmamay-ari ng brilyante ng apoy, kasama ang kapwa Sang'gre na sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, at Sanya Lopez.

Panoorin ang buong interview ni Angel dito: