
Walang susuko, go lang ng go para maging Best Running Man Agent!
Mas tumataas ang intensity ng natitirang celebrity Runners na nagco-compete sa final test na 'Nametag Ripping.'
May magawa kaya sina Ruru Madrid, Kokoy de Santos, at Buboy Villar para maungusan ang frontrunner na si Angel Guardian at may limang R-badge na si Glaiza De Castro na naka-attack mode?
Who will be our first Best Running Man Agent?
Pero, teka, ano nangyari sa Golden R-Necklace para sa winner, kung ang special prize ay ninakaw ng isang mysterious thief?
Kung naaliw kayo sa "Nametag Ripping," mas kaabang-abang ang susunod na missions ng ating celebrity Runners this September 10 and 11.
Siyempre, sagot pa nila ang paglilibot sa atin sa South Korea, dahil makikita natin ang Namsanggol Hanok Village sa Seoul at dadalhin rin nila tayo sa SBS building kung saan may mission silang gagawin.
Manood ng high-rating reality show ng GMA-7, Running Man Philippines tuwing weekend evening primetime: Saturdays, 7:30 PM at Sundays, 7:50 PM.
LET'S TAKE A QUICK TOUR IN SOUTH KOREA WITH OUR CELEBRITY RUNNERS HERE: