
Puno ng good memories ang comedian at vlogger na si Buboy Villar nang alalahanin ang naging working experience nila with the SBS Korea team para sa high-rating reality show na Running Man Philippines.
Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com sa tinaguriang “The Funny Juan” last week, lubos na humanga si Buboy sa passion at professionalism ng Korean crew.
Kuwento niya, “'Yung dedication nila sa work, of course unang una, 'yung pagiging passionate nila, pagiging professional nila sa work.
“Nakakaiyak silang katrabaho, kasi ang dami mong matututunan. Sa dami ba naman ng mga camera, sa daming nag-i-input dun sa show na 'yun. So, ako kasi nakikinig lang.”
Dagdag niya, “I'm a good observant, so natutuwa ako, dahil marami ako natutunan sa show at ang pinaka puno't dulo naman nito ay mapasaya talaga sila ['yung viewers] at 'yun 'yung pinaka-goal ko.”
At sulit naman ang ilang linggo nilang shoot sa South Korea, dahil bukod sa mataas na ratings na naitatala ng show tuwing weekend primetime, madalas din mag-viral ang mga episode ng Running Man Philippines online.
Proud na sinabi ni Buboy na kahit hindi pa ipinapalabas ang kanilang reality show, may tiwala na siya sa kanilang materyal na tiyak kaaliwan ng mga tao.
Paliwanag ng Kapuso comedy star, “Hindi ko naman sinasabi na ine-expect ko, kumbaga expected ko na masaya 'yung show talaga namin at sobrang saya ko ngayon, dahil 'yung expectation ko na masaya ay nagre-reflect sa mga tao.
“Unang una sa lahat, wala naman kaming i-script. Kumbaga pinakita lang namin kung ano talaga 'yung alam namin, kung paano namin ipapakita, kung paano kami magpapasaya.”
Ulit-ulitin ang funny missions at games sa Running Man Philippines by watching the full chapters HERE.
HETO ANG PASILIP SA HOTTEST PHOTOS NG RUNNING MAN PH BOYS SA GALLERY NA ITO: