GMA Logo Mikael and Megan
Source: 24 Oras
What's on TV

Mikael Daez binalikan kung paano nasorpresa ni Megan Young sa 'Running Man Philippines'

By Aedrianne Acar
Published October 21, 2022 8:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Brook Lopez's 9 treys power Clippers to win over Blazers
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers
'PBB' housemate Joj Agpangan weds fiancé in Austin, Texas

Article Inside Page


Showbiz News

Mikael and Megan


More exciting happenings ang mapapanood sa nakakagutom na episode ng 'Running Man Philippines' ngayong October 22 and 23 kasama sina Megan Young at Andre Paras.

Dapat n'yo abangan ang exciting Mukbang Bingo race na mapapanood this weekend sa Running Man Philippines.

Isa sa highlights ng new race, ang reunion ni “The Captain” Mikael Daez at kaniyang misis na si Miss World 2013 Megan Young.

Sa panayam ng 24 Oras sa Kapuso couple, eksklusibo nilang ikinuwento ang mga nangyari bago ang naging reunion nila sa reality show.

Saad ni Megan, “Fofo, sabihan mo ako kelan 'yung last taping day n'yo, 'tapos magbo-book ako. Iikot tayo ng Korea sa last week mo. So, 'yun 'yung ine-expect niya na time na darating ako.”

Wala raw talagang idea si Mikael na may big surprise na mangyayari bago sila tumulak sa Mokpo, South Korea para sa kanilang race.

Pagbabalik-tanaw ng Kapuso actor, “I remember the night before the taping day na sinurprise niya ako. We were on the phone, the whole day hindi niya ako nire-replyan. Pero ako naisip ko, 'baka busy siya', 'tapos eventually nung sumagot siya sabi niya, 'Ay, Fofo I was in the movies with a friend, tapos I was doing something. I was doing this', hindi ko na inisip.”

“Sabi ko, 'Ah, okay. Sige', 'Yun pala lumilipad na siya papuntang Korea.”

Source 24 Oras

Kumusta naman kaya ang experience ni Megan competing sa Running Man Philippines?

Saad niya, “'Yung energy levels ko sa sobrang excited ko para akong ibang tao.”

Dugtong ni Mikael “this is going to be the first time na magpapakita ng athleticism ang Miss World natin.”

Mapapanood din sa Running Man Philippines sa latest race nila bilang guest ang Sparkle TV host and actor na si Andre Paras.

MORE PHOTOS OF THE SHOWBIZ COUPLE MEGAN AND MIKAEL: