
Kahit patikim pa lang ang mga nangyari sa 'The Four Elements Race' sa nalalapit na season finale ng Running Man Philippines, busog ang lahat sa katatawanan dahil sa exciting missions na ginawa ng ating Runners sa amusement park na Seoul Land!
Maiyak-iyak na sina Buboy Villar at Kokoy de Santos sa paggawa ng mga mission sakay ang ilang extreme rides.
Si “The Captain” Mikael Daez naman, pinatunayan na siya ang “king of strategy” sa “Memory Battle” game.
Kung sa rides takot si Kokoy, bumawi naman ito sa lip-reading battle mission na walang kahirap-hirap na nahulaan ang mga salita na binibigkas ni Lexi Gonzales.
Sino sa ating Runners ang nakakuha ng mas maraming elemental cards na magagamit nila sa season finale?
Balikan ang exciting parts ng 'The Four Elements Race' sa YouLOL channel!
CHECK OUT THE KULITAN MOMENTS WITH OUR CELEBRITY RUNNERS IN THE KAPUSO KWENTUHAN LIVE EVENT: