
Nawala raw ang pagiging “kuting” ni Lexi Gonzales nitong last episodes sa Running Man Philippines base sa obserbasyon ng comedian-vlogger na si Buboy Villar.
Sa Kapuso Kwentuhan Live last Sunday, December 11, diretsahang tinanong ni “The Funny Juan” si Lexi kung napikon ba ito kaya 'beast mode' sa mga nagdaang episode ng hit reality show.
Ayon kay Lexi, totoong nakaramdam siya noong una ng hiya pero unti-unti rin lumabas ang kanyang competitive spirit.
Paliwanag ng Sparkle actress, “Hindi naman sobrang nahiya, parang na-inspire ako na mas galingan ko pa, dahil sa inyong lahat. Kasi nakikita ko kung gaano kayo kagaling and noong una, kinakapa ko pa.
“Habang tumatagal kasi, saka mas naging komportable rin ako sa inyo. Kaya rin siguro ganun, pero hindi naman ako napipikon.”
Ano-ano kaya ang dapat abangan sa remaining two episodes ng Running Man Philippines?
Panoorin ang sagot ng mga Runners sa Kapuso Kwentuhan Live sa video below:
MORE TRIVIA ABOUT STARSTRUCK BEAUTY LEXI GONZALES HERE: