
Isang araw bago ang season finale ng hit reality show na Running Man Philippines, ibinahagi ni “The Funny Juan” Buboy Villar ang isang hindi niya malilimutang sandali while shooting in South Korea.
Sa kanyang Instagram post, nagkuwento siya tungkol sa isang Koreano na nilibre siya ng inumin habang nagsu-shooting sila sa Mokpo.
Aniya natuwa raw sa kanya ang lalaki dahil sa ngiti niya.
Kuwento ni Buboy, “Hindi ko makalimutan na nilibre ako ng isang koreano ng inumin sa mokpo! Habang nasa gitna kami ng shoot ng RMPH Dahil sa ngiti ko HAHAHA.. akalain mo yun!”
Dagdag niya, “Bastat mag smile kalang kahit hindi kayo magkaintindihan.. kasi hindi mo naman alam ang babalik sayo. Don't Expect Just Smile.”
Napa-comment naman si Miss World 2013 Megan Young na isa sa naging special guests sa Running Man Philippines this season.
Post niya, “Naalala ko to boyyyy!!! Tuwang tuwa siya sayo!!! Sobrang cute”
Samantala, may patikim naman si Buboy Villar sa finale race nila na Running Man Superpower Battle na mapapanood ngayong Sabado at Linggo ng gabi.
Paanyaya ni Buboy sa lahat ng Runners, “Buboy Out! HAHAHAHHAA
“Pano bayan? Last 2 Ep nalang! Mamimiss ko kayo kaya naman sulitin nyo ang pagtawa kasi i tototodo na namin to.”
CHECK OUT THE HOTTEST PHOTOS OF THE RUNNING MAN PH BOYS HERE: