TV

'Running Man PH' cast members, nagsama-sama para sa birthday ni Buboy Villar

By Aedrianne Acar

Nami-miss n'yo ba ang kulitan ng cast ng Running Man Philippines?

Puwes, nagsama-sama ang ilan sa kanila para i-celebrate ang birthday ni “The Funny Juan” Buboy Villar.

Ibinahagi ng actor-host na si Mikael Daez ang kulit video nila sa Instagram kung saan makikita sina Glaiza De Castro, Kokoy de Santos, at Lexi Gonzales.

Nakisaya rin sa bonding moments ng Running Man PH stars sina Faith da Silva at misis ni Mikael na si Miss World 2013 Megan Young.

Sabi ng Royal Blood actor sa caption niya, “Back with the runners!! (Half of them at least ) Si @faithdasilva_ muna ang stand in ni angel at si @meganbata kay ruru. But either way, happy to get together and celebrate Buboy's birthday food trip lang the whole afternoon and night.”

Matatandaan na noong Enero nagkaroon din ng reunion ang cast sa kasal ni The Seed of Love actress Glaiza De Castro at David Rainey na idinaos sa Sundowners beach resort sa Botolan, Zambales.

Samantala, sa darating na April 1, magaganap na ang inaabangan na “Running Man in Manila” event sa Mall of Asia Arena.

Inaasahan na makakabonding ng fans sina Jee Seok Jin, Yu Jae Seok, Kim Jong Kook, Ha Ha, Song Ji Hyo, Jeon So Min, at Yang Se Chan.

TINGNAN ANG ILAN SA MOST-VIEWED MOMENTS NG RUNNING MAN PH: