TV

Bianca Umali, napaluha nang pag-usapan ang 'Sahaya'

By Gabby Reyes Libarios

"Ibang Bianca Umali ang makikita ninyo sa Sahaya."

'Yan ang sambit ni Bianca Umali nang makapanayam siya ng ilang entertainment press at bloggers sa press conference ng kaniyang launch bilang endorser ng Gluta C sa Mess Hall, Pasong Tamo noong Feb. 19.

Bianca Umali

"When people ask me, 'Kakaibang Bianca ba 'yung mapapanood namin sa Sahaya?' I would say, 'When you watch Sahaya, it's not actually Bianca ang mapapanood niyo kung 'di si Sahaya mismo.

"Dahil kahit po on set, hindi ko po nakikilala ang sarili ko. Iba po 'yung itsura ko, iba po kung paano ako gumalaw, iba po kung paano ako magsalita. Lahat po ng ginagawa namin sa set, detalyado."

Upang maging mas "detalyado" ang pagganap sa kaniyang karakter at ang pagrepresenta ng show sa mga Badjaw, sumasangguni sila sa isang consultant na may kaalaman sa buhay at gawi ng mga totoong Badjaw.

"Inaral po talaga namin.

"Every time we shoot a scene, kahit po gaano kaikli, we always have to be very detailed and very sure of what we'll do. Again, we are representing the Badjaws and it's not every day that we get to have a show about them."

WATCH: Bianca Umali at Miguel Tanfelix, nagkuwento ng kanilang karanasan sa first taping day ng 'Sahaya'

Nakikita ni Bianca na magiging maganda ang dulot ng Sahaya dahil mas maiinitindihan ng mga manonood kung ano ang mga suliranin ng mga Badjaw.

"Actually they're not really being talked about in our nation.

"There are connotations [and misconceptions] about them and I think that's all we know, na they're the people known to come here when it's December. It's not just that.

"We want to spread awareness and show the people who they really are, how they are.

"They are actually important people and they have their own life, they have their own beliefs, and base sa pag-aaral ko, they're amazing people. Studying their culture and going through the process of trying to be a Badjaw made me learn more about myself."

Bianca Umali, bakit may personal connection kay 'Sahaya?'

Nais din ni Bianca na bumisita sa isang Badjaw community para lalong maunawaan sila.

"Yes, I want to visit an authentic Badjaw community for an immersion. We were supposed to shoot in Tawi-Tawi but the bombings happened, that's why we weren't able to shoot there.

On set, we have consultants, para [malaman naman kung] 'tama ba 'yung ganito, tama ba 'yung ganyan? Tama ba i-pronounce ang word na ito?' ganon."

Kaya excited din si Bianca na mapanood na ang Sahaya dahil marami itong hatid na magandang aral.

"Sahaya is about life. The word sahaya means light and hope. Si Sahaya ang magbibigay ng pag-asa at ilaw sa mga Badjaw.

"Love is also one of the aspects of life. When you watch Sahaya, you will see all that. Ano ba ang mga suwerte ng buhay natin? Pamilya, pagmamahal, edukasyon at marami pang iba. Yung prinsipyo na pinaglalaban namin, kultura.

"Sahaya is not a love story that's for sure. But there is love."

Sa isang punto ng group interview, inamin ni Bianca Umali na hindi niya maiwasang maging emosyonal kapag napag-uusapan ang Sahaya.

"Ganon po kamahal talaga siya. If you want me to talk about it more, I can. Naiiyak ako.

"Gusto ko po siyang mahalin ng tao. And I am so excited na mapakilala sa inyo. Naiiyak talaga ako!

"Excited ako pakilala po sa inyo."

IN PHOTOS: At the pocket press conference of 'Sahaya'