TV

Netizen, tinawag na 'soap opera for social change' ang 'Sahaya'

By Michelle Caligan

Sa isang Facebook post, nanawagan ang netizen na si Willyan Maglente sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at Department of Education na bigyan ng rekomendasyon ang epic dramaserye na Sahaya para sa mga paaralan.

Sahaya

Dalawang gabi pa lamang daw niya itong napapanood pero very promising na raw ang primetime series na pinagbibidahan nina Bianca Umali, Miguel Tanfelix at Migo Adecer.

WATCH: Cast ng 'Sahaya', kinilig sa good reviews na natanggap ng pilot episode

Aniya, "Nakakatakot ang pagsusugal sa isang 'out-of-the-box concept' na katulad nito lalo pa't tumatalakay ito sa isa sa mga katutubong grupo natin, ang mga Sama Dilaut o mas kilala bilang mga Badjaw. Isang paksa na para sa marami ay dapat na pinag-uusapan sa loob lamang ng paaralan.

"Pero tama ang GMA 7, mayroon ng malaking market ang mga progresibong tema ng mga drama sa telebisyon. Kung sabagay, hindi ito ang una nilang paghahatid ng mga kuwentong malalim, mapaghamon, edukasyunal at may katuturan sa tunay na buhay. Lahat ng mga iyon ay pumatok.

"Salamat, Kapuso network sa mataas na pagtingin sa aming mga manonood. Ang usaping panglipunan ay dapat na tinatalakay ng mga pamilya, ng mga magbabarkada, ng mga magkakapitbahay, ng mga magkakatrabaho at maging ng magkasintahan.

"Ganitong antas ng palabas sa telebisyon ang noon pa man ay ninanais ng dekalibreng theater artist na si Madam Cecile Alvarez, akmang-akma ang Sahaya para sa pamantayan bilang isang "soap opera for social change" na humihimok sa atin na matuto, umunawa, kumilos, magpahalaga, at magbigay respeto."

Pinuri rin ni Willyan, na isang dating cultural worker, ang pag-arte nina Jasmine Curtis-Smith bilang young Manisan at Karl Medina bilang young Alari, pati na rin ang mga nasa likod ng kuwento ng Sahaya.

Netizens laud Jasmine Curtis-Smith's superb acting as young Manisan in 'Sahaya'

"Pagbati din sa cast and crew lalung-lalo na kay Ms. Jasmine Curtis-Smith bilang young Manisan, pinahanga mo ako sa malalim mong pagganap sa karakter, damang-dama naming mga manonood ang iyong pagiging Sama Dilaut. Gayundin kay Karl Medina, na pinangarap na ama ng marami. Iyong malumanay na tinig na mayroong 'conviction' at pagmamahal ay akmang paglalarawan ng mga tipikal na lider Badjaw.

"Sumasabog na congratulations sa mga writers - Suzette Doctolero, J-Mee Katanyag, at Marlon Gonzales Miguel, kina Direk Zig Dulay at Aloy Adlawan, at sa nagpapakahirap na produksyon."

Basahin ang kanyang buong post dito: