
Natutuwa si Sahaya actress Bianca Umali na naaalala siya ng manonood sa kaniyang karakter sa hit Kapuso primetime series.
Kamakailan, ibinahagi ng aktres sa GMANetwork.com na lalo raw siyang ginanahang gampanan ang role at gawin ang kaniyang makakaya para mas mapabuti ang serye.
Aniya, “Masaya, sobra. Because practically everyone calls me Sahaya nowadays.
“It's like a recognition for me and it shows na maraming nanood sa pinaghihirapan namin. I'm also very thankful for that recognition dahil mas nakakaganang ipagpatuloy 'yung ginagawa namin.”
At ano naman kaya ang iba pang aabangan sa Sahaya?
Pahayag ni Bianca, “Marami pa!
“I think kung paano pa siya mag-i-improve bilang tao and 'yung aabangan na next chapters ng buhay niya at kung saan siya dadalhin ng tadhana. Kaya sana mas panoorin pa ng mga manonood.”
Patuloy na panoorin ang kapana-panabik na kwento ni Sahaya, mula Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad.
READ: Bianca Umali reveals drastic change on Sahaya
WATCH: 'Sahaya' cast, halu-halong emosyon ang naramdaman sa transformation ni Sahaya