TV

Ang kasunduan nina Harold at Irene | Ep. 62

By Marah Ruiz

Sa June 14 episode ng Sahaya, pagbabantaan ni Irene (Ana Roces) ang kinabukasan ni Sahaya (Bianca Umali) kung patuloy ang pakikipagkita ni Harold (Zoren Legaspi) dito.

Samantala, susubuking alamin ni Salida (Snooky Serna) mula kay Lindsay (Ashley Ortega) ang kinaroroonan ni Manisan (Mylene Dizon) at Sahaya.

Bibisita si Irene sa apartment para pagbantaan si Manisan.

Balikan ang eksenang ito mula sa epic dramaseryeng Sahaya: