TV

Pagtanggap ni Sahaya sa suhol | Ep. 92

By Marah Ruiz

Sa July 26 episode ng Sahaya, aalukin ni Irene (Ana Roces) ng malaking halaga sina Sahaya (Bianca Umali) at Manisan (Mylene Dizon) para tuluyan nang lumayo sa kanyang pamilya.

Dahil maiisip niya ang lahat ng kailangang gastusin para sa pagpapagamot ng ina, tatanggapin ni Sahaya ang alok.

Hindi nila alam na narinig pala ni Jordan (Migo Adecer) ang lahat.

Balikan ang eksenang ito mula sa epic dramaseryeng Sahaya: