
Matapos sorpresahin ang asawang si Dennis Trillo, si Jennylyn Mercado naman ang nakatanggap ng birthday surprise nang batiin siya ng kanyang mister habang nasa taping ng bago nilang action series na Sanggang Dikit FR.
Ngayong May 15 ang araw ng kapanganakan ni Jen, pero nakatanggap siya ng advance birthday greeting mula kay Dennis at sa iba pa nilang castmates at buong team ng upcoming GMA Prime series noong Miyerkules, May 14.
Nagdala ng cake si Dennis sa set at sabay-sabay nilang kinantahan ang aktres na tila may kinukunan pang eksena.
Sa Instagram Story ng co-star nilang si Joross Gamboa, mapapanood ang sorpresa nila kay Jennylyn na looking youthful sa edad na 38.
Nagbigay naman ng mensahe si Dennis sa kanyang misis. "Wish ko sa kanya, dahil napakaganda nitong pasok ng taon, sana magtuloy-tuloy pa yung blessings para sa 'yo at para sa pamilya natin," ani Dennis sa 24 Oras report ni Lhar Santiago.
Mapapanood ang Sanggang Dikit FR simula Hunyo sa GMA Prime.
Mula ito sa direksyon ni LA Madridejos at sa produksyon ng GMA Entertainment Group.
Related content: