
Inamin ng aktres na si Mikee Quintos sa Fast Talk with Boy Abunda na may tampo siya sa kaniyang mga college friends noon nang siya ay magsimulang maging artista.
Sa March 23 episode ng nasabing programa, game na sumalang si Mikee at kaniyang boyfriend na si Paul Salas sa isang panayam kasama ang TV host na si Boy Abunda.
Sa nasabing interview, napag-usapan nila ang naging pagbabago sa buhay ni Mikee simula nang pagsabayin niya ang pag-aaral at pag-aartista.
Second year college na sa kursong architecture si Mikee nang pasukin niya ang show business. Aminado ang aktres na nahirapan siya sa una pero ang pinakanaramdaman niyang pagbabago noon ay tampo sa kaniyang mga kaibigan sa kolehiyo.
Kuwento niya, “Feeling ko po 'yung pinakanaramdaman ko lang ay medyo tampo.”
Ayon kay Mikee, tila nagbago ang pakikitungo sa kaniya ng mga kaibigan simula nang siya ay maging artista.
Aniya, “Kasi second year college na po ako noong nag-artista po ako, na-feel ko 'yung iba nag-change, ewan ko parang naramdaman ko 'yung parang iba na 'yung way kung paano nila ako kausapin.
“'[Sa isip ko] Huy ako pa rin to a, ano ba kayo.' Parang sila po yung nagbago.”
“A, [parang] artista ka na, iba ka na, nakakailang,” sundot naman ni Boy.
“Opo parang ako pa 'yung nagtampo na sila 'yung nag-change,” sabi pa ni Mikee.
Sa panahon na ito mas na-appreciate umano ng aktres ang kaniyang mga kaibigan sa high school.
“So doon ko na-appreciate 'yung high school friends ko Tito Boy,” ani Mikee.
Sumangayon naman dito si Boy. Aniya, “May kasabihan kasi 'yan e. Ang high school friends, they really stay.”
“'Yung dati kong nirereklamo na mga high school friends dahil lagi nila akong binu-bully, pagdating nung nag-artista na ako, 'yun 'yung nami-miss ko,” dagdag pa ni Mikee.
Samantala, kasalukuyang mapapanood ngayon sina Mikee at Paul sa GMA Primetime series na The Write One kasama ang kanilang kapwa celebrity couple na sina Ruru Madrid at Bianca Umali.
Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
SILIPIN ANG STUNNING PHOTOS NI MIKEE QUINTOS SA GALLERY NA ITO: