TV

Carmina Villarroel, nagsalita na tungkol sa kaniyang cryptic post sa Instagram

By Maine Aquino

Nagsalita na si Carmina Villarroel tungkol sa kaniyang controversial Instagram post at kung ano ang kuwento sa likod nito.

Tanong ni Mavy Legaspi sa Trip to the hotseat segment ng Sarap, 'Di Ba?

"Ano ang reaksyon mo na maraming nag-react sa isang IG post mo at kinonek pa ito sa inyo ni Zoren Legaspi at Lianne Valentin?"

Sagot ni Carmina, "Una sa lahat, hindi lang isang post 'yun, dalawa. Dalawa po 'yun."


Ayon kay Carmina walang ibig sabihin ang posts na ito.

Nakalagay sa kaniyang Instagram story ang quotes na "Don't trust everything you see. Even salt looks like sugar" at "The villain plays the victim so well."

Ayon kay Carmina walang kahulugan ang mga ito.

"Wala lang po 'yun, walang ibig sabihin. Kasi ako mahilig ako na 'pag may nakikita ako sa Facebook na mga quotations mga ganyan. It doesnt matter kung pinagdadaanan ko 'yun o hindi. Basta pag nagustuhan ko pino-post ko. Shini-share ko"

Paliwanag pa ni Carmina, wala siyang pinagdadaanan at hindi naman daw siya nagpo-post talaga ng kaniyang nararamdaman sa publiko.

"Siguro baka ganoon 'yung usual na if you post something it means na pinagdadaanan mo 'yun. Hindi ko po siya pinagdadaanan because ako po 'yung klase ng tao na hindi ko pina-public how I feel especially if I am sad, if I am hurt, if I am mad, I don't post it."

Dugtong pa ng Sarap, 'Di Ba? host, "Kung sinusundan ninyo ako sa social media accounts ko, hindi ako ganoong type."

Ayon pa kay Carmina naisip ng mga tao na si Lianne Valentin ang pinapatamaan nito.

Si Lianne ay nakatambal noon ang kaniyang asawa na si Zoren Legaspi sa Apoy sa Langit.

"Because nag-guest si Lianne na first time niya, na-connect the dots nila na parang si Lianne daw 'yung pinariringgan ko. Hindi po, napakabait po ni Lianne sa akin," paglilinaw ni Carmina.

Saad pa ni Carmina ay baka isipin ng publiko na hiwalay na sila ni Zoren dahil nang mangyari ito ay nasa ibang bansa sila ng anak na si Cassy Legaspi.

"Ang nakakatawa pa noong nangyari ito, nung naglabasan 'to, si Zoren at si Cassy nasa San Francisco. Sabi ko, 'naku, baka akalain talaga ng tao hiwalay.' Nagkakaproblema raw kami ni Zoren kesyo hiwalay na kami."

Panoorin ang kabuuang sagot ni Carmina rito:



SAMANTALA, NARITO ANG SWEETEST MOMENTS NINA CARMINA AT ZOREN: